December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Karen Davila, umapela sa LGU na pondohan pagpapakapon sa mga aso't pusa

Karen Davila, umapela sa LGU na pondohan pagpapakapon sa mga aso't pusa
Photo Courtesy: Karen Davila (FB), Pexels

Nanawagan si Kapamilya broadcast-journalist Karen Davila sa mga local government unit (LGU) para maglaan ng pondo sa pagpapakapon sa mga aso at pusa.

Sa huling bahagi ng news flagship program ng ABS-CBN na “TV Patrol” noong Lunes, Oktubre 7, sinabi ni Davila ang dahilan kung bakit dapat pondohan ng mga lokal na pamahalaan ang pagpapakapon sa mga nasabing hayop. 

“Ito ang dapat i-institute ng lahat ng LGU [at] badyetan. Budgeting for spaying, neutering ng aso at pusa para hindi dumami at ma-manage ang population. 'Yon ang dapat, bawat LGU,” saad ni Davila.

Sabi naman niya sa kaniyang X account, “[L]et’s control pet overpopulation. This also lessens pet homelessness. Bawas sakit pa sa ating mga aso at pusa.”

Tsika at Intriga

'Buong taon 'di n'yo naman ako pinapansin!' Nadine, umapela sa mga nanghihingi tuwing December lang

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Parang damit kailangan nakikiuso...kahit hinde kaya alagaan...lalo na iyong mga walang breed....."

"Unahin na yung mga nasa senado.  May ilan akong nakikita doon at pabibo pa."

"dagdag pa that DOH can only procure HUMAN anti rabies shots, tapos yung mga sa strays naka asa lang din sa LGU. parang walang coordination din. tapos wala pang support sa mga animal shelters."

"Some people are still gonna go 'bakit naman bibigyan ng ganyan ang mga hayop, eh hayop lang naman yan, unahin niyo yung mga tao' "

"This should be required and legislated. Pet owners also should be responsible to do this. Also backyard breeding should be regulated. If you have a pet you have to get it neutered and vaccinated."

"District 5 ng Manila napakaraming stray dogs kaya nagkalat dumi sa kalye. Hassle sa mga estudyante. Big THANKS to Miss Karen for bringing up this topic."

"Dito sa amin, sulosyon nila ay hulihin ang mga asong  palakad-lakad sa daan. Dapat talaga spaying and neutering gawin nila sa mga hayop. Medyo may kamahalan pa naman, hindi talaga afford ng mga ordinaryong pamilya."

"I did see the Cities of Mandaluyong and Pasig are more of Pet Friendly… Tas sa mga gala, I think they have some initiative..."

Ngunit ano nga ba ang pagkakapon?

Ang pagpapakapon ay isang surgical procedure upang alisin ang reproductive organs ng mga hayop na pipigil sa kanilang makapagluwal ng anak. 

Tinatawag na “spaying” ang pagkakapon na ginagawa sa mga babaeng hayop na tinatanggal ang ovaries at uterus. 

Samantala, “neutering” naman kung tawagin ang pamamaraan para sa mga lalaking hayop na inaalis ang testicle o bayag.