Tinanggihan umano ng isang foreign exchange counter sa Oslo, Norway ang isang kaanak ng dating volleyball player at ngayo’y TV presenter na si Gretchen Ho, dahil umano sa lumalaganap na korapsyon sa Pilipinas.
Ibinahagi ni Gretchen sa isang X post noong Lunes, Oktubre 6, ang naging karanasan sa nasabing pangyayari.
“One of our family members traveling abroad got denied at the foreign exchange counter at the Gardermoen Airport in Oslo, Norway. Lady at the counter goes — ‘You came from the Philippines? We cannot exchange your dollars because of the corruption and money laundering in the Philippines’,” ani Gretchen.
“This family member (along with a group of friends) told me they were asked to exchange their money elsewhere but not at the airport. Family member was just trying to exchange 300 USD,” dagdag pa niya.
Kinuwestiyon tuloy ni Gretchen kung ano nga ba ang gagawin sa ganitong sitwasyon.
“Terrible. What are we going to do about this, Pilipinas?” saad ni Gretchen. “Sending a report to the Philippine Ambassador to Norway.”
Wala pang inilabas na pahayag ang embahada ng Pilipinas sa Norway ukol dito.
Matatandaang naging usap-usapan ang umano’y malawakang korapsyon sa bansa, kung kaya’t inilunsad ng iba’t ibang grupo ang kabi-kabilang mga kilos-protesta laban dito.
KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Mga dapat asahan at programang ikakasa sa ‘Trillion Peso March’-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA