December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Gretchen Ho naalarma na, nagsalita sa relasyon daw nila ni Willie Revillame

Gretchen Ho naalarma na, nagsalita sa relasyon daw nila ni Willie Revillame
Photo courtesy: Gretchen Ho, Willie Revillame (FB)

Naging usap-usapan ang mga pahayag ni TV5 news presenter Gretchen Ho kaugnay sa mga kumakalat na balitang nagli-link sa kaniya kay "Wil To Win" TV host at senatorial aspirant Willie Revillame.

Ayon sa kaniya, medyo nakakabahala na ang mga kuwento ng “fake news” at maling impormasyon na ikinakalat sa social media, na noong una, tinatawanan lang niya.

Pero ngayon daw na mismong uncle na niya ang nagtanong kung totoo ba ang mga kumakalat na tsika tungkol sa kanilang dalawa, mula na mismo kay Gretchen ang pagsasabing walang katotohanan dito.

"Medyo alarming na ito," aniya, sa text caption ng Instagram story kung saan ibinahagi niya ang screenshot ng isang sample post na nagpapakita ng fake news tungkol sa kanilang dalawa.

Tsika at Intriga

'Buong taon 'di n'yo naman ako pinapansin!' Nadine, umapela sa mga nanghihingi tuwing December lang

"Tinatawanan ko lang nung una. Pero.. Dahil tito ko na ang nagtatanong kung totoo.. HINDI PO ITO TOTOO," saad ni Gretchen, na may hashtag pang #FakeNews.

Photo courtesy: Screenshot from Gretchen Ho (IG)/via Fashion Pulis

Nag-ugat ang pagkaka-link ni Gretchen kay Willie sa segment ng programang "Seryosong Usapan” noong Hulyo 2024, kung saan napag-usapan nila ang tungkol sa pag-ibig at relasyon, nang makapanayam si Willie sa muli niyang pagbabalik-telebisyon.

Nang mapunta na sa personal at usaping pag-ibig ang usapan, nagkomento si Gretchen sa pagiging single daw ni Willie.

"Huwag na rin akong mag-asawa, ‘no?" hirit ni Gretchen.

“Gusto mo tayo na lang?" natatawang pabirong tanong ni Willie kay Gretchen, "Eh, kasi pati ikaw, nadadamay ka, ayaw mo mag-asawa. Depende, mamaya magustuhan kita, magustuhan mo ako.”

Nang usisain naman ni Willie si Gretchen kung kumusta ang buhay-pag-ibig niya, ang sagot ni Gretchen ay "Wala! Masayang-masaya akong mag-isa kasi ayoko ng sakit sa ulo, eh. Kasi baka magkasal tapos hihiwalay lang.”