Usap-usapan ang umano’y pagkakamabutihan nina Kapamilya actress Elisse Joson at basketball player Kobe Paras.
Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Lunes, Oktubre 7, inispluk ni showbiz insider Ogie Diaz ang nasagap niyang tsika tungkol sa dalawa.
“Si Elisse Joson at si Kobe Paras ay nagkakamabutihan. At aware naman ang lahat na co-parenting na lamang si McCoy at si Elisse,” saad ni Ogie.
Dagdag pa niya, “Sino naman tayo para kumontra o para awatin ‘yong dalawa [Kobe at Elisse] na magmahalan kung pareho naman silang single.”
Matatandaang Hulyo 2025 nang ianunsiyo ni Elisse sa pamamagitan ng isang social media post na hiwalay na ulit sila ni McCoy.
“[L]etting go doesn’t mean we failed. Because what we had was real. And it gave us the greatest gift. Our Felize,” saad ng aktres.
Maki-Balita: McCoy De Leon, Elisse Joson split na ulit!
Samantala, si Kobe naman ay single na rin matapos lumutang ang bulung-bulungang split na sila ni Kapuso Sparkle artist Kyline Alcantara.
MAKI-BALITA: Kyline Alcantara, Kobe Paras hiwalay na nga ba?
Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang reaksiyon o pahayag sina Kobe at Elisse hinggil sa nasabing intriga.