Inilunsad ng Cebu Provincial Government ang kanilang kauna-unang Sea Ambulance nitong Martes, Oktubre 7, na magtitiyak ng mabilis, ligtas, at mas episyenteng emergency response sa isla at karatig-munisipalidad.
Sa pakikipagtulungan sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), ang proyektong ito ay ikinokonsiderang malaking hakbang para sa mas pinalapit na serbisyong-medikal para sa lahat ng Cebuano.
“Serbisyong paspas, serbisyong makatao – kini ang akong saad, ug karon usa na ka kamatuoran,” (“Serbisyong mabilis, serbisyong makatao – ito ang aking pangako, at ngayon ito ay isang katotohanan”), pahayag ni Cebu Gov. Pam Baricuatro sa kaniyang Facebook post.
Ayon din sa nasabing post, sa pamamagitan ng Sea Ambulance, ang mga pasyente mula sa mga liblib na lugar ay makakatanggap na ng agarang medikal na atensyon at maiba-byahe na sa pinakamalapit na ospital.
“The Sea Ambulance will allow patients and victims from remote areas to receive immediate medical attention and be swiftly transported to nearby hospitals — truly a lifesaver for the island communities of Cebu,” saad sa post.
Bilang dagdag pang tulong, ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resource (BFAR) ay nagbigay ng dalawang bangka sa probinsya ng Cebu, na ibinigay sa Danao City at Medellin.
“In addition, the Bureau of Fisheries and Aquatic Resource (BFAR) turned over two fishing boats to the Province of Cebu, which were distributed to the local governments of Danao City and Medellin. This effort supports livelihood recovery and strengthens coastal resilience among fisherfolk. ,” dagdag pa rito.
Sean Antonio/BALITA