Nagbigay ng reaksiyon at komento ang Sparkle artist na si Cassy Legaspi tungkol sa matagal nang sinasabing kahawig niya ang South Korean star na si Han So Hee.
Si Han So Hee ay sumikat sa iba't ibang Korean dramas gaya na lamang ng "The World of the Married (2020)," "Nevertheless (2021)," "My Name (2021)," "Gyeongseong Creature (2023-2024)," at iba pa.
Sa eksklusibong panayam ng GMA News Online sa "Hating Kapatid" lead star, sinabi niyang sa sarili niya, hindi niya nakikitang magkamukha sila, pero nagpapasalamat pa rin siya sa mga nagsasabing para silang "soul sisters" na nasa ibang bansa at lahi nga lang.
"Personally I don’t see it. I’m thankful. I’m grateful.That's a huge, huge compliment for me. Kasi si Han So Hee is my idol po talaga. Especially when it comes to acting. I love her projects. That's a huge compliment,” aniya.
Nag-krus na rin ang mga landas nila, at aminado si Cassy na na-starstruck talaga siya sa South Korean actress.
"Super na-starstruck ako. It was so cool seeing her in real life," aniya.
Isa nga si Han So Hee sa mga naging peg ni Cassy sa naging Halloween costume niya noong 2021, mula sa karakter nito sa K-dramang My Name.
KAUGNAY NA BALITA: Cassy Legazpi, Catriona Gray at Han So Hee ang peg sa Halloween
Si Cassy ay anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi, at kambal naman ni Mavy Legaspi.