January 25, 2026

Home SHOWBIZ

Blooms, niresbakan bashers ni BINI Maloi: 'PCOS is really serious and scary!'

Blooms, niresbakan bashers ni BINI Maloi: 'PCOS is really serious and scary!'
Photo Courtesy: Maloi Ricalde

Dumepensa ang Blooms para kay BINI member Maloi Ricalde mula sa mga negatibong komento matapos nitong isiwalat sa publiko ang kondisyon ng kalusugan.

Bago kasi ang “BINIverse World Tour,” sumalang muna sa medical consultation ang buong miyembro ng Nation’s girl group.

Natuklasan sa pamamagitan nito na may Polycystic Ovary Syndrome o PCOS si BINI Maloi, dahilan para maging emosyunal ang huli. 

“Sabi ko, mawala na cellphone ko, iPad ko, lahat ng mga material things ko, ’wag lang ako magka-PCOS. Gano’n ’yung thinking ko,” saad ni Maloi sa isang episode ng documentary tungkol sa BINI.

Tsika at Intriga

Sen. Win Gatchalian, pasimpleng kinumpirma hiwalayan nila ni Bianca Manalo?

Ngunit ilang netizens ang tila minamaliit at winawalang-halaga ang health condition ni BINI Maloi. Kaya naman hindi nakapagtatakang naging trending topic sa X ang PCOS. 

Narito ang hanash ng ilang netizens:

"STOP YOUR FUCKING MOUTH GUYS!!! PCOS is really serious and scary. Not only your body will be affected but also your mental health. So please refrain from invalidating women who suffer from this disease — maloi"

"these comments are actually crazy... some things may be small to you and not to other people. we all respond differently and that's fucking NORMAL?!??"

"We are so doomed. Ito na ang kabataan ngayon? Not all, not taking this against the entirety of their population. "Karamihan" sa kanila ang metalidad ganito? nakakaloka. A little kindness goes a long way. Nakakalungkot naman."

"I'm not even a fan pero sobrang frustrating to see those kinds of comments. I don't understand bakit kailangan sabihin na ‘ako nga meron pero…’ okay so?? Let the girl feel what she wants to feel. Kung natatakot sya, anxious sya or kahit ano, let her. Katawan nya yan."

"over mga nasa tiktok. stop invalidating someone na may pcos, all feelings matter. tapos may mga palagi nagpopost na may pcos si loi, can you please stop… nakaka overwhelmed siya. i have pcos din, to someone na may pcos, it really helps na iwasan yung mga nega (socmeds)"

"Ang bobo nila. Hindi ba nila alam na ang PCOS ay hindi nawawala and It can not be cured and It might cause diabetes and other health diseases if it wasn't manage through healthy lifestyle."

"Those people who commented that thinks PCOS is like a simple fever na kaya gamutin ng paracetamol. Hnd niyo alam gaano kagastos mgpagamot ng pcos. How many years we've waited, career that we sacrificed para magkaanak."

"not a bloom pero all female friends i have in real life take this pcos real serious"

“how come she's OA? Having PCOS is reallyyy hard. You have to watch out for your diet and lifestyle. Not to mention, the possible complications you're at risk for. It's literally FREE to practice empathy”

Samantala, pinasalamatan naman ni Maloi ang lahat ng Blooms na nagpaabot ng support at kind words sa kaniya.

Sabi niya sa isang panayam noong Lunes, Oktubre 6, “Thank you so much for understanding. Parang feeling ko ang humanizing na naibukas ang topic na ‘to, which is very taboo. So, thank you sa mga umintindi talaga.”

Pero ano nga ba talaga ang PCOS?

Isang pangkaraniwan ngunit komplikadong sakit ang Polycystic Ovary Syndrome (PCOS) na nakaaapekto sa maraming kababaihan na sanhi ng maraming pagbabago sa kanilang katawan.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang PCOS ay isang chronic condition o pangmatagalang problema na nangangailangan ng patuloy na atensyong medikal, at sa kasalukuyan ay wala pang tiyak na lunas. 

Gayunpaman, maaari pa rin daw na mas mapagbuti ang mga sintomas sa pamamagitan ng lifestyle changes, at mga naaayong treatment at gamutan.

Alamin: Ano ang PCOS at paano nito naaapektuhan ang kalusugan ng kababaihan?