December 13, 2025

Home BALITA

Sey ni Guanzon sa 'nasayang' na serbisyo ni Gen. Torre: 'Huwag na tayong magpagamit sa mga nakaupo!'

Sey ni Guanzon sa 'nasayang' na serbisyo ni Gen. Torre: 'Huwag na tayong magpagamit sa mga nakaupo!'
Photo courtesy: BALITA FILE PHOTO

Tila may pasaring si dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon sa mga “nakaupo” umanong gumagamit sa ilang opisyal sa sangay ng gobyerno. 

Ayon sa ibinahaging post ni Guanzon sa kaniyang Facebook account nitong Lunes, Oktubre 6, 2025, hinikayat niya ang kaniyang mga tagasubaybay na huwag na umanong magpagamit sa mga “nakaupo ngayon.” 

Nagawa ring ihalimbawa ni Guanzon si dating Philippine National Police (PNP) Gen. Nicolas Torre III kaugnay sa mga sinakripisyo at serbisyo niya noon. 

“Huwag na po tayo magpagamit sa mga nakaupo ngayon,” panimula ni Guanzon. 

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

“Tignan niyo nalang ang taong ito, ang daming niyang sinakripisyo at sinunod na order mula sa nakakataas sa kanya, lahat yun ginawa niya,” pahabol pa ni Guanzon.

Pagtutuloy pa ng dating Commissioner, kinuwestiyon niya ang mga ginawa umano kay Torre matapos siyang “mapakinabangan.” 

“Ano ginawa sa kanya after? Matapos mapakinabangan ay ano nangyari sa kanya? Nasaan na yung pangako na ibang puwesto? Kahit anong mabulaklak o dahilan ang sabihin niyo, hiniya niyo yung tao,” pagdidiin ni Guanzon. 

“May history talaga kayo ng pagiging user, matapos mapakinabangan ay tapon niyo na yung tao,” pagtatapos pa niya. 

Photo courtesy: Rowena Guanzon (FB)

Photo courtesy: Rowena Guanzon (FB)

Matatandaang tinanggal sa puwesto bilang hepe ng PNP Torre, na pormal na bumulaga sa mga ulat noong Agosto 26, 2025. 

MAKI-BALITA: Torre, sinibak sa puwesto bilang PNP Chief

Batay umano iyon sa memorandum ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin, na inisyu noong Agosto 25, 2025. 

“You are hereby relieved as Chief, PNP effective immediately.”

“For the continuous and efficient delivery of public services in the PNP, you are hereby directed to ensure proper turnover of all matters, documents and information relative to your office,” saad noon sa nasabing liham. 

Mc Vincent Mirabuna/Balita