January 07, 2026

Home BALITA

Senate minority, 'di kailangan ng panibagong kudeta—Villanueva

Senate minority, 'di kailangan ng panibagong kudeta—Villanueva
Photo Courtesy: Joel Villanueva (FB), via MB

Nagbigay ng reaksiyon si Sen. Joel Villanueva kaugnay sa lumulutang na balitang may namumuo umanong panibagong kudeta sa Senado.

Sa panayam ng media nitong Lunes, Oktubre 6, sinabi ni Villanueva na hindi umano ito kailangan ng Senate minority.

"Hindi namin kailangan siguro. It's not on the priority list. So many things that we have to think about," anang senador.

Matatandaang Setyembre 14 nang unang umugong ang binabalak na kudeta laban sa bagong komposisyon ng Senate majority.

Politics

Walang basehan!' Solon, itinangging may parte sa 2026 nat'l budget ang impeachment para kay VP Sara

Maki-Balita: 'Peke, intended to deceive and confuse!' 'Another rigodon' sa Senado, pinalagan ni Sen. Lacson

Ito ay matapos palitan ni Sen. Tito Sotto III si Sen. Chiz Escudero bilang Senate President sa kasagsagan ng pangalawang hearing ng Senate Blue Ribbon Committee sa maanomalyang flood control projects.

Samantala, si Sen. Ping Lacson naman ang pumalit kay Sen. Jinggoy Estrada bilang Senate President Pro Tempore.