December 12, 2025

Home BALITA

Sen. Risa, nagpasalamat sa mga volunteers sa nagdaang lindol sa Cebu

Sen. Risa, nagpasalamat sa mga volunteers sa nagdaang lindol sa Cebu
Photo courtesy: Senator Risa Hontiveros/FB


Nagpapasalamat si Sen. Risa Hontiveros sa mga nagsama-samang volunteers upang tugunan ang pangangailangan ng mga naapektuhang residente ng nagdaang magnitude 6.9 na lindol kamakailan sa Bogo City, Cebu.

Ibinahagi niya sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Oktubre 6, ang kaniyang pasasalamat sa mga boluntaryo ng nasabing sakuna.

“Daghang salamat sa mga volunteers sa Cebu na nagsama-sama para makatulong sa mga na-lindol. Mabuhay kayo!” ani Sen. Risa.

Kalakip nito ang isang post mula sa isang netizen na nagngangalang “Gerard Campo,” nitong Lunes, Oktubre 6, na nagsilbi bilang boluntaryo sa Cebu, kung saan inilahad niya ang kaniyang mga naging karanasan sa pagtulong sa mga residenteng naapektuhan ng lindol.

“From October 3, 2024, at 10:00 PM to October 5, 2025, at 7:00 AM — more than 24 hours of volunteering, traveling, and serving with purpose. It was a long and exhausting journey. From na abirya ang truck, hours on the road tungod sa ka traffic, ang ka init, and the endless unloading but every moment reminded us why we were there,” aniya.

Bato, masayang nakita ang apo



“We knew we were doing something meaningful, something bigger than ourselves. We met people who inspired us with their kindness and strength. Despite the tiredness, our hearts stayed full because we were surrounded by people who genuinely cared, volunteers who turned into friends,” dagdag pa niya.

Nagpasalamat din si Campo kay Sen. Risa sapagkat binigyan sila umano nito ng oportunidad na maging bahagi ng pagtulong sa mga kababayan nilang naapektuhan ng lindol.

“We are truly grateful to Sen. Risa for giving us the opportunity to lend a helping hand in our own little way and to be part of something bigger; serving our fellow Cebuanos,” ani Campo.

“To our fellow Cebuanos, please don’t lose hope. We know the road to recovery isn’t easy, but you are not alone. There are people who care deeply, who continue to pray and act for your healing. May this small effort remind you that better days will come, and that after every storm, light and love always return,” dagdag pa nito.

Kamakailan ay bumisita rin ang iba pang mga mambabatas sa Cebu upang kumustahin at bigyan ng tulong ang mga residenteng naapektuhan ng lindol.

Vincent Gutierrez/BALITA