December 13, 2025

Home BALITA National

Sen. Bam, gustong mas pataasin pa ang pondo para sa libreng kolehiyo!

Sen. Bam, gustong mas pataasin pa ang pondo para sa libreng kolehiyo!
Photo courtesy: Senate of the Philippines, Bam Aquino (FB)

Isa sa mga nais isulong ni Sen. Bam Aquino na mas pataasin pa ang pondong ilalaan para sa libreng edukasyon sa bansa. 

Ayon sa ibinahaging post ni Aquino nitong Lunes, Oktubre 6, 2025, hinalimbawa niya ang naging “pagbabawas” umano ng pondo para sa libreng edukasyon noong 2025. 

“Pataasin ang pondo para sa libreng kolehiyo!” panimula ni Aquino sa caption ng kaniyang post. 

“Noong 2025, nabawasan ang pondo para sa edukasyon — pero ngayong taon, sisiguraduhin nating maibabalik at madadagdagan ito,” dagdag pa ni Aquino. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Pagpapatuloy ng senador, ipinahayag niyang malaki umano ang naitutulong ng nasabing programa para sa mga pangarap ng mga mag-aaral at kanilang pamilya. 

“Dahil ang libreng kolehiyo ay hindi lang programa, kundi pangarap ng bawat kabataang Pilipino at kanilang pamilya na dapat nating ipaglaban,”

“Mas malaking pondo. Mas maraming matutulungan. Mas maliwanag na kinabukasan,” pagtatapos pa ni Aquino. 

Photo courtesy: Bam Aquino (FB)

Photo courtesy: Bam Aquino (FB)

Sinang-ayunan naman ng netizens ang naturang pahayag ni Aquino at inirekomenda nila sa senador na huwag umanong tagalan ang pagbibigay ng tulong para sa kanilang mga mag-aaral sa kolehiyo. 

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa naturang post ng senador: 

“Dapat po pati allowance ng mga college student maponduhan para cgurado na makaktapos at pag nagkatrabaho mkatulong nman sa mga kapatid na nag aaral mapagaan ang gastusin ng pamilya.” 

“The more educated our future generations are, the less we elect corrupt politicians into the government.” 

“Sana nga po at npka daming kabataan ang gustong makapag aral ng kolehiyo.” 

“Hello po ung sa ched scholar.. wag paabutin ng taon ang pay out sa mga student.. tapos na ang semester eala parin napupunta sa mga scholar.” 

“God bless po Senator Bam Aquino nwa po mtupad lhat .Para sa mga magaaral na gusto makatpos lalo sa kagaya nming kapos God bless po more power.” 

“Karamihan sa mga scholar ng ched nag aantay ng matagal.. sa pay out nila.” 

“Nawa po para matulungan higit na nangangailangan lalo n ung mga kabataan nais mag aral..ngunit wala magawa dahil wala rin ang mga magulang.” 

MAKI-BALITA:  Home arrow BALITA arrow National arrow Sen. Bam, isinusulong ang pagsasabatas ng CAP ACT  Sen. Bam, isinusulong ang pagsasabatas ng CAP ACT

Mc Vincent Mirabuna/Balita