Namahagi ng ₱1,000 incentive sa public school teachers si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang pasasalamat at pagkilala sa kanilang mga sakripisyo at determinasyon sa pagtuturo.
“Today on World Teachers’ Day, we provide a 1,000 peso incentive for every public school teacher. A little reminder that we recognize your efforts and your sacrifices, and they have not gone unrecognized,” saad ni PBBM sa kaniyang talumpati sa komemorasyon ng 2025 National Teachers’ Day sa SM Mall of Asia Arena kahapon ng Lunes, Oktubre 6.
Bukod sa allowance, ang pamahalaan ay nakipagtulungan din sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa paglulunsad ng e-Learning Academy on Personal Finance and Economics, sa layong mapagyabong ang financial literacy ng mga guro.
“Beyond allowances, we have also partnered with Bangko Sentral ng Pilipinas to launch the e-Learning Academy on Personal Finance and Economics, empowering teachers to become financially literate citizens.”
Ipinahayag din ni PBBM na binawasan na ng pamahalaan nang 57% ang paperworks ng mga guro para mas mapagtuunan nila ng pansin ang pagtuturo.
“We have also reduced the paperwork of our teachers by 57%, from dozens of forms, only five remain that teachers must regularly accomplish, so you can focus less on bureaucracy and more on what you do best, teaching,” aniya.
Idinagdag din niya na sa ilalim ng Republic Act (RA) 12288 o ang “Career Progression System for Public School Teachers and School Leaders Act,” nagbukas pa ng dagdag-oportunidad ang pamahalaan para sa pagyabong ng propesyon ng mga guro.
“Through [the] Republic Act No. 12288 o ang “Career Progression System for Public School Teachers and School Leaders Act,” we opened wider and clearer pathways for our teachers. Ibig sabihin nito, wala nang public school teacher na mag-re-retire na “teacher one,” hindi na natin papayagan na mangyari ulit ‘yon,” pagtitiyak niya.
“This is about recognizing the years of service that you have given and ensuring that your journey as an educator is filled with dignity, with respect, and with growth,” dagdag pa niya.
Mula rin sa pondo ng flood control projects, ibinahagi ni PBBM ang alokasyon ng ₱ 26.55 bilyon sa pondo ng Department of Education (DepEd), na ilalaan para sa pagpapagawa ng mga silid-aralan, tamang nutrisyon ng mga estudyante, compensation ng mga guro, at pagsasaayos ng teknolohiya sa mga eskwelahan.
“This administration is also preparing and investing for the long term. We have allocated 26.55 billion pesos for DepEd programs, from the funds of the flood control projects, which we have deemed not viable. These funds will be directed to increase funding for classrooms, child nutrition, teacher compensation, and technology in schools,” pagtitiyak niya.
Sa likod ng mga repormang ito, naniniwala si PBBM na ang edukasyon ang “best investment” na maibibigay ng isang bansa para sa mga mamamayan nito.
Sa pagtatapos ng kaniyang talumpati, ipinabatid ng Pangulo sa mga guro na bukod sa talino, integridad at kabutihan ang mga aspetong bumubuo sa matagumpay na sistema ng edukasyon sa bansa.
“Sa ating mga guro, ang tunay na tagumpay ng edukasyon, ay hindi lamang sa talino ng ating kabataan, kung hindi pati sa kanilang kabutihan, at panindigan. Dahil ang katalinuhan na walang integridad ay walang saysay, ngunit ang kabutihan at karunungan, ‘yan ang magtataguyod ng ating bagong Pilipinas,” aniya.
Sean Balita/BALITA