May mensahe ang social media personality at aktres na si Donnalyn Bartolome para sa mga babaeng kasalukuyang may karelasyon, o naghahanap pa lamang ng "The Right One."
Kinakiligan kasi ng mga netizen ang Instagram post niya patungkol sa boyfriend na si JM De Guzman.
Tungkol ito sa balak daw ni JM na pakasalan siya, na matagal na rin daw nasabi ng aktor sa kaniya sa panahon ng kanilang dating stage.
"Dun tayo sa lalaking may plano sa atin [white heart]. Ang oras natin mahalaga," aniya.
"Sharing thoughts for all the women out there like me. Women are born with all the egg cells they’ll ever have in their life. Wasting our time should be a crime."
Sumunod, ibinahagi ni Donnalyn na noong Abril 2023, sinimulan na raw siyang tawaging "wife" ni JM at talagang "binakuran" na siya mula sa iba pang mga manliligaw. Sinabi raw sa kaniya ni JM na handa raw siyang maghintay, basta raw, kapag sinagot na siya at magkaroon ng relasyon, ay mauuwi sila sa kasalan.
"A blessing for me, on April 11, 2023 this man started calling me his wife hindi ko pa siya sinasagot. Posting my face on the internet hindi pa kami. Binakuran ako sa lahat ng nanliligaw saakin making sure no one else stood a chance! 'Maghihintay ako basta pakakasalan mo ako ah..' while driving for me when we were just dating," aniya.
Nang pormal at opisyal na niyang sagutin ang aktor, ang itinawag at pakilala na raw sa kaniya ni JM ay "Asawa ko." Ibinahagi rin ni Donnalyn na nasa ligaw at dating stage pa lang sila, talagang siniguro na sa kaniya ni JM na siya na ang babaeng pakakasalan niya.
"Naghintay ng isang taon and after ko siya sagutin, introduced me as his 'asawa ko' to people and his family, certain that I will be. In this conversation, naguusap kami about our status* what are we doing, you know… just for clarity, and I got this unexpected response—The Plan. Now that’s a MAN!" sey pa ni Donnalyn.
"His happy place pa daw is marrying me, chose a wedding dress peg he likes and everything. Hindi nakuntento, nagpost pa ulit. Sabi ko, wag nalang namin gawing public, private relationship nalang AYAW NIYA. Kaya kahit I don’t normally publicize my relationship, I did. I followed his lead. Now I understand, ganun nga naman talaga dapat: intention, wag ilusyon.
Kaya naman, mensahe niya sa mga babae: "Don't settle for less ladies. Never. Benefiting from your love tapos walang plano? That’s their role: to provide, to lead, to plan."
Giit pa niya, "Pag wala pang plano say LECHE! PLAN!"
"..cause choosing the father of your child is the most important decision you’ll make in your life. Please choose a good man with a plan. The one who prioritizes you, provides for you, protects you and yung mabango."
Kaya mensahe niya kay JM, "To my Juan Miguel, you’re auditioning for one of, if not, the most important role of your life: To be a Husband. Godbless a faithful man. Thy will be done."
Matatandaang Hunyo 2024 nang masungkit na ni JM ang matamis na oo ni Donnalyn, na halos higit isang taon din niyang niligawan.
KAUGNAY NA BALITA: 'Dun tayo sa lalaking may plano sa atin!' Donnalyn, flinex plano ni JM na pakasalan siya