January 06, 2026

Home SPORTS

'New career high!' Alex Eala, tumaas bilang world no. 54 sa Women Tennis Association!

'New career high!' Alex Eala, tumaas bilang world no. 54 sa Women Tennis Association!
Photo courtesy: WTA, Alex Eala (IG)

Nakapagtala ng new career high ang Filipino professional Tennis player at pambato ng Pilipinas na si Alexandra “Alex” Eala. 

Ayon sa pinakabagong tala ng Women Tennis Association (WTA) nitong Lunes, Oktubre 6, 2025, nakamit ni Eala ang bago niyang pinakamataas na ranking bilang rank no. 54 sa WTA sa kaniyang kasalukuyang career.

Photo courtesy: Women Tennis Association (Website)

Photo courtesy: Women Tennis Association (Website)

Matapos ito ng mga naging laban Eala at makaabot sa semifinals sa sinalihang niyang Jingshan Open 2025 kung saan tinalo niya sina Jia-Jing Lu (China), Mei Yamaguchi (Japan), at Aliona Falei (Belarusian).

Bukod sa bronze medal: Elijah Cole, kinakiligan sa face card pati 'pangalan' niya

Nagawa ring makaabot ni Eala sa quarterfinals ng Suzhou Open WTA 125 kung saan tinalo niya sina Katarzyna Kawa (Poland), at Greet Minnen (Belgian). 

Mayroon nang kabuuang 39 na panalo at 22 na talo si Eala sa mga sinalihan niyang kompetisyon ngayong taon. 

Samantala, nakatakda nang makasali si Eala sa mga higher-tier na torneo ng WTA Tour.

Matapos ang pagkabigo ni Eala kay Moyuka Uchijima sa Wuhan Open (WTA 1000) noong Sabado, Oktubre 4, 2025, kasunod namang pupuntahan ni Eala ang bansang Japan sa darating na Oktubre 13 hanggang Oktubre 19, 2025, para sumali sa Japan Open (WTA 250).

Nakaabang na rin para kay Eala ang Guangzhou Open (WTA 250) sa darating na Oktubre 20 hanggang 26, 2025, pabalik sa China. 

Ganoon din ang Hong Kong Tennis Open (WTA 250) sa dating na Oktubre 27 hanggang Nobyembre 2, 2025.

Mc Vincent Mirabuna/Balita

Inirerekomendang balita