Tila marami ang naki-wish na sana raw, matupad ang birthday wish ng batikang broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas nang tanungin siya ng co-anchors ng newscast program na "Agenda" kung ano ba pa ba ang mahihiling niya sa kaarawan.
Bitbit ng co-anchor na si Pinky Webb ang unang cake, at pagkatapos ay nasundan pa ng dalawa, kaya naman tatlo ang sinabing wish ni Korina.
Nagbigay naman ng tatlong wish si Korina, na ang una ay para sa bayan, sa isyu ng korapsyon at anomalya.
"Sana makulong lang ang dapat makulong. At dapat ma-vindicate 'yong dapat ma-vindicate," sagot ni Korina sabay hipan sa unang cake.
Sa pangalawa naman, sana raw ay forever na siyang mahalin ng kaniyang mister na si Mar Roxas.
"Gusto kong sabihin, sana forever akong mahalin ni Mar Roxas," aniya.
At ang pangatlo naman, sana raw ay maging bilyonaryo na ang lahat sa Bilyonaryo Channel.
"Sana, tayong lahat sa Bilyonaryo Channel ay totoong maging mga bilyonaryo," aniya pa.
Matatandaang kamakailan lamang ay naging usap-usapan si Korina matapos ang naging pagsita ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa ilang "bayarang journalist" na nagtampok sa mag-asawang Sarah at Curlee Discaya.
Mariin naman itong pinabulaanan ni Korina at sinabing wala siyang natatanggap na kahit na anumang halaga mula sa mga Discaya, matapos ang panayam niya sa kanila sa programa niyang "Rated Korina."
Samantala, bukod kay Korina, naging usap-usapan din ang birthday wish ng kapwa broadcast journalist na si Kara David, na sana raw, mamatay na lahat ng korap.
KAUGNAY NA BALITA: 'Sana mamatay lahat ng kurakot sa Pilipinas!' birthday wish ni Kara David
KAUGNAY NA BALITA: Birthday wish ni Kara David, sana raw magkatotoo sey ng netizens