December 12, 2025

Home BALITA National

Makabayan bloc sa panukalang snap election: 'Just a change of personalities'

Makabayan bloc sa panukalang snap election: 'Just a change of personalities'
Photo Courtesy: Makabayan bloc (FB), via MB

Nagbigay ng reaksiyon ang Makabayan bloc kaugnay sa panawagan ni Sen. Alan Peter Cayetano na magkasa ng snap election.

Sa latest Facebook post ng Makabayan nitong Lunes, Oktubre 6, sinabi nilang sinusubukan lang umano ni Cayetano na ilihis ang atensyon ng tao sa totoong isyu ng bansa.

“Cateyano is trying to divert the focus from corruption accountability to snap elections, giving the illusion that corruption can be addressed simply through the electoral process that is still dominated by political dynasties and corrupt politicians,” saad ng Makabayan.

Dagdag pa nila,  “How will holding snap elections address the issue of accountability? The proposal is a distraction and a way to douse cold water on the people’s protests.”

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Ayon sa grupo, hindi umano matutumbok ang ugat ng korupsiyon nang hindi pinapalitan pinapalitan ang sistema. 

“A snap election and just a change of personalities without changing the system will not address the roots of corruption,” sabi ng Makabayan.

Matatandaang noong Linggo ay iminungkahi ni Cayetano ang ideya na magbitiw ang mga lider ng bansa mula sa Pangulo hanggang Kamara at saka magsagawa ng snap election.

KAUGNAY NA BALITA: 'What if we all just resign and allow a Snap Election'—Sen. Alan Peter Cayetano

Samantala, sinuportahan naman si Cayetano ng kapatid niyang si dating Taguig City Mayor Lino Cayetano sa panawagang ito at hinimok pa ang senador na pangunahan ang pagbibitiw sa puwesto.

Maki-Balita: 'No Cayetano should run in 2028!' Lino Cayetano, suportado mungkahi ng utol na si Sen. Alan