December 13, 2025

Home BALITA

Listahan ng pagpipilian ni PBBM sa pagka-Ombudsman, ipinadala na sa Palasyo

Listahan ng pagpipilian ni PBBM sa pagka-Ombudsman, ipinadala na sa Palasyo
Photo courtesy: screengrab RTVM

Isinumite na ng Judicial and Bar Council (JBC) sa Malacañang ang opisyal na listahan ng mga indibidwal na maaaring pagpilian ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., na susunod na Ombudsman.

Nitong Lunes, Oktubre 6, 2025, pormal na inilabas ng JBC ang shortlist ng mga kandidato sa pagka-Ombudsman kung saan kabilang sa mga ito si Department of Justice (DOJ) Sec. Jesus Crispin Remulla.

"Pursuant to Article VII, Section 9 of the Constitution, the Judicial and Bar Council (JBC) has the honor to submit the following nominations for the position of OMBUDSMAN, Office of the Ombudsman...," anang JBC.

Narito ang iba pang mga nominado maliban kay Remulla:

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

-Ex-COA at ngayo'y PCC Chairperson Michael Aguinaldo

-Retired Court of Appeals justice Stephen Cruz

-Supreme Court Associate Justice Samuel Gaerlan

-Deputy Executive Secretary Atty. Liza Logan

-Retired Supreme Court justice Mario Lopez

-Sandiganbayan Justice Michael Musngi

Matatandaang noong Hulyo 27 nang mabakante ang posisyon ng Ombudsman matapos magretiro si noo'y dating Ombudsman Samuel Martires.

Kabilang si Remulla sa mga naging matunog ang pangalan, bunsod na rin nang tahasang pag-alma ni Sen. Imee Marcos na kilalang kritiko ng kalihim.

Noong Linggo, Oktubre 5, nang maglabas ng pahayag sa kaniyang opsiyal na Facebook account si Sen. Imee at iginiit na kulay itim pa rin daw ang kulay ng bayan dahil sa nakatakdang pagtatalaga kay Remulla.

Sa Lunes, nakatakdang hirangin si Boying Remulla bilang Ombudsman," ani Sen. Imee.

Dagdag pa niya, "Tunay ngang kulay itim pa rin ang kulay ng bayan; nagluluksa, nababalutan ng pangamba at kawalan ng pag-asa, sapagkat ang huling bantayog ng pananagutan ay pinilit wasakin ng pulitika at kalapastanganan sa Konstitusyon."

KAUGNAY NA BALITA: 'Kulay itim pa rin ang kulay ng bayan!' Sen. Imee, iginiit napipintong pagka-Ombudsman ni DOJ Sec. Remulla