Papalo sa mahigit ₱223 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 ngayong Lunes, Oktubre 6, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Base sa jackpot estimate ng PCSO, papalo sa ₱223,500,000.00 ang mapapanalunan sa Grand Lotto habang ₱9,000,000.00 naman sa Mega Lotto 6/45.
Kaya sugod na sa pinakamalapit na lotto outlet at tayaan ang paboritong mga numero.
Nakatakdang bolahin ang Grand Lotto at Mega Lotto mamayang 9:00 PM.
Samantala, walang nanalo sa Ultra Lotto 6/58 at Super Lotto 6/49 noong Sunday draw, Oktubre 5.
ULTRA LOTTO 6/58
Winning numbers: 16-45-46-12-02-50
Jackpot Prize: ₱49,500,00.00
SUPER LOTTO 6/49
Winning numbers: 14-13-16-42-21-07
Jackpot Prize: ₱75,490,978.60