Nagkomento si dating senador Franklin Drilon hinggil sa pagbibitiw ni Senate President Pro Tempore Sen. Ping Lacson bilang Blue Ribbon Committee Chairman.
Sa panayam sa kaniya ng ANC nitong Lunes, Oktubre 6, 2025, iginiit niyang malaki umanong indikasyon ng “unstable” na Senado ang pagbibitiw ni Lacson mula sa nasabing posisyon.
“It is a sign of how unstable our Senate politics and Senate leadership is,” ani Drilon.
Ayon pa kay Drilon, nagbitiw lang umano sa posisyon si Lacson upang mapakalma raw ang kapuwa niya mga senador na tila hindi raw suportado ang kasalukuyang liderato ng Senado.
“Tito can lose his presidency. In the mindset or calculation of Ping, his quitting the Blue Ribbon Committee at peaces or addresses the concern of his fellow senators therefore would maintain Tito Sotto as President,” saad ni Drilon.
Matatandaang noong Linggo, Oktubre 5, nang tuluyang bakantihin ni Lacson ang Blue Ribbon Committee—wala pang isang buwan matapos niya itong makuha mula kay Sen. Rodante Marcoleta.
“Sahil sa mga naririnig ko na pahiwatig ng aking mga kasamahan eh isa sa mga konsiderasyon ko, mag-move o mag-submit na lang ng aking resignation bilang chairperson at humanap sila ng ibang puwede mag-chairman ng Blue Ribbon committee," ani Lacson sa isang panayam.
KAUGNAY NA BALITA: 'Maybe stepping down is an option!' sey ni Lacson, sa pagiging Blue Ribbon Chair niya
Habang noong Sabado naman, Oktubre 4, nang pansamantalang suspendihin ng Senado ang pagdinig ng Blue Ribbon Committee kaugnay ng imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.
KAUGNAY NA BALITA: Senado, pansamantalang sinuspinde pagdinig sa isyu ng flood control projects