January 25, 2026

Home BALITA

Ilang BPO companies sa Cebu, buminggo sa DOLE; wala raw emergency and disaster plan?

Ilang BPO companies sa Cebu, buminggo sa DOLE; wala raw emergency and disaster plan?
via MB

Pinatawan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng “work stoppage” ang Business Process Outsourcing (BPO) companies sa Cebu matapos matuklasang wala umano itong Emergency and Disaster Preparedness and Response Plan.

Ayon sa DOLE Region 7, mananatili ang stoppage order hangga't hindi raw naisasaayos ng mga kompanya ang naging violations nito.

"The dispositive part of the Order states that the company is mandated to cease and desist from its operations until all unsafe conditions and unsafe acts exposing the workers to imminent danger shall have been addressed or abated and/or all other violations cited shall have been corrected," anang DOLE.

Matatandaang kamakailan lang nang maging usap-usapan ang BPO company na nagpumilit umanong papasukin ang kanilang mga empleyado sa kabila ng naging mapaminsalang magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Cebu. 

Probinsya

Higit 5k security personnel, idineploy para matiyak kaligtasan sa ASEAN Summit

Sa hiwalay na pahayag ni DOLE Sec. Bienvenido Laguesma, nanindigan siyang dapat mauna ang kaligtasan ng mga manggagawa, kasunod ng pagputok ng maturang isyu sa mga manggagawa.

Saad pa ni Laguesma, naghain na raw ng sulat sa kanila ang mga call center workers upang pormal na maihayag ang kanila raw pinagdaanan.

 “Kailangan din po nating makita kung sino-sinong mga kumpanya nang sa ganoon po ay maging patas or impartial ang gagawin po natin, upang ma-determine po namin kung ano ang dapat gawing aksyon.”

KAUGNAY NA BALITA: DOLE, iimbestigahan nangyari sa ilang BPO workers na pinabalik sa trabaho matapos ang lindol sa Cebu