Hindi tao kundi isang aso ang bumitbit sa cellphone ng isa sa mga dancers sa Cebu habang vini-videohan ang kanilang pagsayaw.
Sa isang TikTok video na ibinahagi ng "N'ovellus.official09," isang grupo ng dancers, makikita ang ilang mga aso habang sila ay sumasayaw. Maya-maya'y biglang kinuha ng isang aso yung cellphone.
"Last take na sana namin 'to kasi uuwi na kami, akala namin naka-record pa rin. Wala rin isa sa amin [ang] nakapansin na kinuha na pala yung cellphone HAHAHA continue pa rin kami sa pagsayaw," nakasaad sa video.
Paliwanag pa ng grupo, "After namin malaman nawala yung phone naghiwalay-hiwalay kami lahat para mahanap yung phone buti na lang nasa malapit lang pero mutik na rin mapasok sa imburnal HUHUHUHUHUHAHAHAHA."
Kuwento pa nito, napansin nilang wala na yung cellphone nang kunin ng isa pang aso ang phone stand at dadalhin ito sa ibang direksyon.
"Napansin lang talaga namin nung start sa 'dance the night away' then kinuha ng isang aso rin yung phone stand namin sa ibang direction naman.
"Ok lang yung phone ng kasama namin everyone. Di naman nasira oh ano HAHAHAHAAH muntik na umiyak yung may-ari ng phone akala niya may nagnakaw," dagdag pa nila.
Sa eksklusibong panayam ng Balita sa grupo, nakunan daw ang video noong Setyembre 27 bandang 6:59 ng gabi sa Hoopsdome sa Lapu Lapu City, Cebu.
Kuwento nila, marami daw talagang aso sa pinagpa-praktisan nila ngunit ngayon lang nila na-encounter na mismong aso ang kumuha ng cellphone.
"Bago lang po sa amin 'yong nangyari. Hindi po namin inexpect na gano'n po 'yong mangyayari," anang N'ovellus.
"Na-shock po kami sa nakita namin sa video no'ng nahanap namin 'yong phone," dagdag pa nila.
Umani tuloy ng mga kuwelang komento ang naturang video mula sa netizens.
"isang grupo din sila. may watcher, pang distract at taga kuha."
"Dog: Libangin niyo, ako bahala."
"Pinabaranggay nyo po ba ang nga salarin???"
"Dis oras na daw kasi kaya anjan na ang Paw Patrol"
"brown dog : andun, nasa gilid 'yung phone. 2 white dogs : kunyari mag lalakad kami sa harap nila. last dog : tapos, saka ko kukunin yung phone"
"sakto pa pag kuha nya naka talikod kayo HAHAHHA"
"Expert siya, hindi makikitaan nang kaba."
"Tingin ko mga sindikato sila. Malinis ang pagkaka execute ng plano e. HAHAHAHAA"
"Bagong modus lilituhin ka tatlo sila magkakasama yung isa kukuha cp magingat po tayong lahat!"
"parang pinag isipan talaga nila pano kunin yung phone grabe, sana po d niyo na pinakulong kawawa din po e"
"Sinakto nung nakatalikod na kayo."
"organized 'yung ASOsasyon nila. kung mapapansin niyo may humarang muna at nang distract para makuha 'yung phone. Minatiyagaan din bawat step niyo, nung alam na nilang patalikod na step, tsaka nila isinagawa ang plano."
"apaka talino tlga ng mga aspin parang planado mga sumunod na eksena eh hahaha"
Habang isinusulat ito, nasa mahigit 1.4 million views na ang naturang video.