Nagbigay ng paglilinaw si Sen. Alan Peter Cayetano kaugnay sa umano’y panawagan niyang magbitiw ang mga lider ng bansa mula sa Pangulo hanggang Kamara at saka magsagawa ng snap election.
Sa latest Facebook post ni Cayetano nitong Lunes, Oktubre 6, sinabi ni Cayetano na hindi umano niya trabahong diktahan ang dapat gawin ng sinoman.
“It’s not my job nor my intention to tell anyone what to do, to tell anyone to resign, to tell the President, the VP, Senators and Congressmen and Women to resign,” saad ni Cayetano.
Dagdag pa niya, “My duty is to reflect on the problems our nation faces. Discern, Pray, Then Articulate Ideas.”
Matatandaang sinuportahan si Cayetano ng kapatid niyang si dating Taguig City Mayor Lino Cayetano sa panawagang ito at hinimok pa ang senador na pangunahan ang pagbibitiw sa puwesto.
"If you truly believe what you say then trust and have faith that if some of the old guard step down now - it will inspire others to follow," anang dating alkalde.
Samantala, sa pananaw naman ng Makabayan bloc, sinusubukan lang umano ni Cayetano na ilihis ang atensyon ng tao sa totoong isyu ng bansa.
Ayon sa grupo, hindi umano matutumbok ang ugat ng korupsiyon nang hindi pinapalitan pinapalitan ang sistema.