December 13, 2025

Home BALITA

Bong Go, nagpasalamat sa mga volunteer medical students sa Cebu

Bong Go, nagpasalamat sa mga volunteer medical students sa Cebu
Photo courtesy: Bong Go/FB


Nagpaabot ng pasasalamat si Sen. Bong Go para sa mga mag-aaral ng medisina na nagboluntaryo at tumugon sa mga pangangailangang pangkalusugan ng mga residenteng naapektuhan ng magnitude 6.9 lindol sa Cebu kamakailan.

Ibinahagi ni Sen. Bong Go sa kaniyang Facebook post noong Linggo, Oktubre 5, ang kaniyang pasasalamat sa mga nasabing boluntaryo.

“Maayong adlaw sa inyong tanan. Daghang salamat kaayo sa ato mga medical students, 2nd year from University of Cebu - School of Medicine, sa inyong pagboluntaryo, ibiyahe gud sila, gikan sa Cebu, paingon diri sa San Remegio, habang sila sa Bogo City, San Remegio, Medellin ug uban pa. Salamat kaayo!” ani Sen. Bong Go.

Inilahad din ng mambabatas na ngayon ang panahon upang magtulungan ang lahat nang matugunan ang pangangailangan ng bawat isa.

“Ito po ‘yong panahon na dapat magtulungan tayo. Kahit na mga estudyante pa po sila, nagboluntaryo po sila na tumulong at magamot ang ating mga kababayan,” anang mambabatas.

“Once again, sa mga Bisaya, daghang salamat kaayo sa University of Cebu - School of Medicine,” dagdag pa niya.

Matatandaang nagpasalamat din si Sen. Risa Hontiveros sa mga boluntaryong tumulong sa mga residenteng naapektuhan ng nagdaang lindol sa Cebu.

“Daghang salamat sa mga volunteers sa Cebu na nagsama-sama para makatulong sa mga na-lindol. Mabuhay kayo!” ani Sen. Risa.

MAKI-BALITA: Sen. Risa, nagpasalamat sa mga volunteers sa nagdaang lindol sa Cebu-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA