Tinagurian bilang “true survivor” at “living miracle,” isang sanggol ang naging kaisa-isang survivor sa isang tahanan sa Gibitngil Island, Medellin, Cebu, matapos ang pagyanig ng 6.9 magnitude na lindol sa probinsya kamakailan.
Sa pinag-uusapang social media post ng isang doktor mula sa Cebu, ibinahagi na namatay ang mga magulang at nakatatandang kapatid ng sanggol na si Briana Grace, matapos mabagsakan ng malaking bato ang kanilang bahay.
“This is baby Briana Grace, a true survivor and a living miracle. Tragically, both her parents and kuya lost their lives when a large rock struck their home, causing it to collapse,” saad sa post.
Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Dr. Bianca Lopez Salimbangon, ibinahagi niyang nakilala niya si Baby Briana habang pinangungunahan niya ang feeding at distribusyon ng tubig sa isla ng Gibitngil.
Dito ay naipagbigay-alam sa kaniyang team na mayroong isang pamilya na nawalan ng mga kaanak.
“We wanted to personally visit the area to extend assistance and deliver supplies, not yet knowing the full story of what had happened until we arrived there ourselves,” saad ni Salimbangon.
Sa pagpunta sa nasabing lugar ng pamilya, dito niya nakita ang sanggol, na sa kabila ng trahedya ng lindol, ay nananatiling masayahin at palangiti.
“She was so lively and smiled the whole time I carried her — which broke my heart even more, knowing how innocent she is to everything that happened. ,” pagbabahagi niya.
Sa pagbisitang ito, nalaman ni Salimbangon na ang mga magulang at nakatatandang kapatid ng sanggol ang nasawi.
“Imagine losing both parents and her older brother, yet still managing to smile,” aniya pa.
Nalaman din nila na isa ang lolo ng sanggol sa mga tumulong sa pag-rescue.
“I was not part of the rescue team, but I learned that her lolo was among those who helped with the rescue — which made it even more painful,” dagdag niya.
Ayon pa sa kapitan ng barangay ng Gibitngil, ang nasawing ama ni Baby Briana ay dating rescuer.
“The barangay captain of Gibitngil also shared with us that Briana’s late father was a rescuer — a true hero — who had saved someone’s life just two months ago and was about to be recognized for his bravery. We not only lost a father that day, but also a hero. ,” anang Salimbangon.
Sa kasalukuyan, nasa pangangalaga na ng kaniyang lolo at lola si Baby Briana, at kasama rin niya ang kaniyang mga tito at tita, na nasa isla rin ng Gibitngil.
“They are a loving and responsible family, and her grandparents are still strong and willing to take full responsibility for her,” pagtitiyak ng Doktor.
Sa pagbangon, nangangailangan ng karagdagang-tulong ang pamilya, lalo na ang mga pangunahing pangangailangan ng sanggol tulad ng vitamins, gatas, at diaper.
“They are still in need of financial assistance. Although they have received some relief goods, they still need vitamins, milk, diapers, and other basic necessities, especially since it’s harder for them being on a small island,” saad ni Salimbangon.
Bilang tulong, isang donation drive ang nakalaan para kay Baby Briana at sa mga kaanak na magpapalaki sa kaniya.
“Through the generosity of our donors, we have been able to provide cash assistance to her family. For those who would still like to extend their support, donations may be sent to the GCash account of Baby Briana’s aunt, as her grandparents do not have any bank details. Your kindness and compassion will go a long way in helping Briana as she begins this difficult journey,” saad ng Doktor sa kaniyang Facebook post.
Sean Antonio/BALITA