Nag-alala ang mga netizen sa aktor na si Jericho Rosales matapos niyang ibahagi ang larawan ng kaniyang tila injured na hintuturo sa kanang kamay.
Makikita sa larawan ni Echo sa kaniyang Instagram post na tila nasa ospital siya. Hindi niya ipinakita ang mukha niya, pero ipinakita naman niya ang hintuturong daliri na nababalutan ng benda.
Hawak din niya ang isang X-ray result na nagpapakita sa mga buto ng kaniyang sinuring kamay.
Naka-tag ang post sa kaniyang girlfriend na si Janine Gutierrez ganoon din sa nail spa business nito.
"Hi @idonailsph & @janinegutierrez Tell me you can fix this," mababasa sa caption.
Hindi malinaw kung buto ba mismo ang injured o baka naman kuko lang. Hindi rin naman binanggit ng aktor sa kaniyang post.
Bumaha naman ng pag-aalala mula sa kapwa celebrity at netizens ang kalagayan ni Echo, at halos lahat ay curious kung anong nangyari sa daliri niya. Ang iba naman, dasal na sana ay hindi naman ito malubha at gumaling agad.
Anyway, malapit nang ipalabas ang pelikulang "Quezon" ni Echo, na biopic ng dating Pangulong Manuel L. Quezon.