Na-corner ng tanong ni social media personality Zeinab Harake si “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition” Big Winner Mika Salamanca tungkol sa housemate na hindi nito ka-vibe.
Sa latest vlog ni Zeinab noong Sabado, Oktubre 4, nagbato si Zeinab ng mga tanong kay Mika na kapag hindi nito bet sagutin ay iinom ito ng Korean liquor. Pero kung masagot ni Mika, si Zeinab ang iinom.
“Sino ‘yong hindi mo ka-vibe na housemate?” usisa ni Zeinab.
Pero sa halip na sagutin, uminom na lang si Mika.
Sey tuloy ni Zeinab: “Wala? Ano ba naman ‘yong hindi mo lang ka-vibe? [...] Tang ina ‘pag sila may ginagawang masama sa ‘yo, okay lang? Pero ‘pag ikaw, ayaw mo?”
“Noong mga patapos na naman na ‘yong season, ‘yong mga kasama ko, lahat naman sila naka-build naman na talaga kami ng mga relationship,” saad ni Mika.
Dagdag pa ng PBB Big Winner, “To the point na kung anoman ‘yong nagawa nila or nagawa ko sa loob ng Bahay ni Kuya, paglabas ko, ‘pag napapanood ko ‘yong mga replay, parang naja-justify ko sa sarili ko na ‘tapos na rin naman, e. ‘ [...] It’s not fair for them if bibigyan ko sila ng galit kasi hindi na gano’n ‘yong nararamdaman nila ngayon.”
Dahil sa sinabi ni Mika, pinuri ni Zeinab ang pagiging mature umano niya. Hindi na rin pinangalanan pa ng PBB Big Winner kung sino ang housemate na hindi niya ka-vibe.