Ibinahagi ni Kapamilya actress Julia Montes ang hiling niya para sa kapakanan ng mga regular na empleyado sa Pilipinas.
Sa latest episode kasi ng “From the Heart” ni DJ Chacha kamakailan, napag-usapan nina Julia ang tungkol sa mga kontrobersiyal na nepo baby.
Ani Julia, “Ako naman, may personality kasi ako na ‘buhay n’yo ‘yan. Bahala kayo.’ Pero siyempre, at the end of the day, nalulungkot din ako.”
“Kasi nga, kung ako iniisip ko pa ‘yong gagastusin, for sure lalo ‘yong mga regular employee lang. Magkano lang per day. May iba, on call lang. So, ang hirap ng buhay,” dugtong pa ng aktres.
Ayon kay Julia, napapansin umano niyang tumataas ang gastusin sa Pilipinas samantalang ang sahod ng mga manggagawa ay nananatiling mababa.
“So sana kung may tumataas man sa Pilipinas, tumataas din sana ‘yong salary. Kasi hindi nababalanse, e. Ang layo ng [presyo ng] bigas sa suweldo na hindi tumataas. [...] So, parang unfair din sa mamamayan,” aniya.
Matatandaang pinag-usapan noong mga nakaraang buwan angi ilang personalidad na todo-flex ng kanilang yaman at ari-arian samantalang konektado pala sa mga opisyal at politikong dawit sa mga anomalyang tulad ng flood control projects.
Basahin: ALAMIN: Ang terminolohiyang 'nepotismo' at pag-usbong ng 'nepo babies'