December 13, 2025

Home BALITA Politics

Tindig Pilipinas, itinatakwil ang posibleng hakbang ni Cayetano para palitan ang liderato sa Senado

Tindig Pilipinas, itinatakwil ang posibleng hakbang ni Cayetano para palitan ang liderato sa Senado
Photo Courtesy: Tindig Pilipinas (FB), via MB

Naghayag ng suporta ang organizer ng “Trillion Peso March” na Tindig Pilipinas sa kasalukuyang komposisyon ng Senate majority. 

Sa latest Facebook post ng Tindig Pilipinas nitong Linggo, Oktubre 5, sinabi nilang itinatakwil umano nila ang posibleng hakbang ni Senador Alan Peter Cayetano na palitan ang liderato sa Senado.

“We are certain that a takeover by Sen. Cayetano will bury the crimes of the Dutertes, leading to a biased and deceitful show of ‘transparency,’” saad ng Tindig Pilipinas.

Dagdag pa nila, “Sen. Alan Cayetano himself has the "Caldero" scandal to answer for and therefore is not credible to us as an anti-corruption figure.”

Politics

'Grief and mourning are not the same!' Anak ni Enrile, may napagnilayan sa pagpanaw ng ama

Ayon sa grupo, mas may kumpiyansa umano sila na maisisiwalat ng kasalukuyang miyembro ng Senate majority ang buong katotohanan sa likod ng mga kaliwa’t kanang korupsiyon sa gobyerno.

Matatandaang pansamantala nang sinuspinde noong Sabado ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.

KAUGNAY NA BALITA: Senado, pansamantalang sinuspinde pagdinig sa isyu ng flood control projects

Samantala, inihayag naman ni Senador Ping Lacson ang pagbibitiw niya bilang chairperson ng Blue Ribbon Committee dahil sa kaniyang mga kapuwa senador.

Maki-Balita: 'Maybe stepping down is an option!' sey ni Lacson, sa pagiging Blue Ribbon Chair niya