December 12, 2025

Home BALITA National

Teachers' Day greeting ng DepEd, nakatanggap ng iba't ibang reaksiyon

Teachers' Day greeting ng DepEd, nakatanggap ng iba't ibang reaksiyon
Photo courtesy: DepEd Philippines/FB


Umani ng iba’t ibang reaksiyon ang naging pagbati ng Department of Education (DepEd) sa mga kaguruan ngayong ipinagdiriwang ang “World Teachers’ Day.”

Mababasa sa Facebook post ng DepEd nitong Linggo, Oktubre 5, ang kanilang pagbati sa mga gurong nagsisilbing landas at gabay ng bukas.

“Happy World Teachers’ Day! Sa bawat aral na inyong itinuro, sa bawat batang inyong ginabayan, salamat sa walang sawang pag-aalay ng oras, talino, at malasakit,” anang DepEd.

“Hindi man palaging madali, pero dahil sa inyo, patuloy na may liwanag ang landas ng bawat batang Pilipino. Makakaasa kayong hinding-hindi kayo nag-iisa, nasa likod ninyo kami sa bawat hakbang,” karagdagan pa nila.

Hati naman ang reaksiyon ng netizens hinggil dito. Ang iba, nagpaabot ng pasasalamat sa kagawaran.

“To the Back Bone (Teachers) of The Children's Education…Maraming Salamat sa Inyo!!! FromTheHeart”

“Thank you DepEd!”

“Thank you po”

“Salamat Po“

“Thank you, DepEd Philippines!”

Ngunit ang iba ay ginamit itong oportunidad upang ipanawagan ang kanilang mga pangangailangan at hinaing.

“Wag po sa likod. Pangunahan niyo po”

“Sana gumawa policy protection sa mga guro. 'Teacher protection policy'. Ang daming mga guro natatalakan ng mga magulang, nasusugod, at laging mali ang guro. Kaya wala ng nag dedesiplina na guro sa mga bata. Mga guro lng mamaunawa sa post na to.”

“Teachers' Protection Policy and MacBook brand na Laptop, please”

“Salamat! Say it with a salary increase across the board! Sige na pay!”

“These are empty words. If you truly support us then take a look at the guidelines you created with regards to the ECP.”

Matatandaang ibinahagi naman ni DepEd Secretary Sonny Angara sa isang hiwalay na post ang kaniyang pagsaludo para sa mga kaguruan.

“MA'AM, SIR, TEACHER... SALUDO PO KAMI SA INYO! Sa inyong sipag, tiyaga, at walang sawang pagmamahal, binubuo ninyo ang kinabukasan ng ating mga kabataan at ng Bagong Pilipinas,” ani Angara.

MAKI-BALITA: 'Saludo po kami sa inyo!' DepEd Sec. Angara, nagbigay-pugay sa mga guro-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA