Iniabot din ni Senator Sherwin “Win” Gatchalian ang kaniyang pasasalamat sa mga kaguruan ngayong ginugunita ang “World Teachers’ Day.”
Ibinahagi niya ang pagbating ito sa kaniyang Facebook post nitong Linggo, Oktubre 5.
“Maraming salamat sa ating mga guro na patuloy na nagsisilbing gabay at inspirasyon sa bawat mag-aaral!” ani Sen. Win.
Nagpasalamat din ang mga netizen matapos ibahagi ng mambabatas ang pagbating ito para sa mga ikalawang magulang ng mga kabataan.
“Salamat po Sen. patuloy po kaming magtitiwala sa inyong magagandang plano para sa bansang Pilipiinas.”
“Happy teacher's day po sa ating mga guro”
“Salamat po!!”
“Maraming salamat sir!”
Matatandaang binantaan ni Sen. Gatchalian noong Agosto 19 sa ginanap na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na hindi umano sila magdadalawang isip na ilaan na lamang ang pondo ng kanilang ahensya patungo sa sektor ng edukasyon, upang mas makatulong ito sa maraming guro at mag-aaral.
“Hindi ho kami magdadalawang-isip i-zero ho ito at ilagay na lang ho sa mga eskuwelahan kung itong flood control ay magiging ampaw lang na flood control, at hindi ho magiging epektibo,” saad ni Gatchalian.
MAKI-BALITA: Ililipat pondo sa DepEd? Sen. Win binalaan DPWH sa ‘ampaw’ na flood-control projects-Balita
Isiniwalat din ng mambabatas sa “Kapihan sa Senado” noong Agosto 4, ang kaniyang planong pataasin ang pondong inilalaan ng gobyerno para sa sektor ng edukasyon, bilang bagong talagang chairperson ng Senate Committee on Finance
“First of all, ‘yong 2026 budget ay ipa-prioritize namin ang education. This will be an education budget. [...] Pipilitin naming lumampas ng 4% of our GDP [gross domestic product] ang education. Right now, nasa mga 3.8, 3.9% tayo,” ani Gatchalian.
MAKI-BALITA: Pondo sa edukasyon, pagtutuunan sa 2026 budget—Gatchalian-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA