December 12, 2025

Home BALITA National

Sen. Bam, pinasalamatan mga guro sa pagdiriwang ng Teachers’ Day

Sen. Bam, pinasalamatan mga guro sa pagdiriwang ng Teachers’ Day
Photo courtesy: Bam Aquino/FB


Nag-abot ng pasasalamat si Sen. Bam Aquino sa mga kaguruan bilang bahagi ng selebrasyon ng Teachers’ Day ngayong Linggo, Oktubre 5.

Ibinahagi ni Sen. Bam Aquino sa kaniyang Facebook post ang kaniyang pasasalamat sa mga guro na walang sawang nagtuturo sa mga kabataan.

“Happy National Teachers’ Day! Maraming salamat sa ating mga guro na walang sawang nagtuturo at nagsisilbing gabay, inspirasyon, at pag-asa ng ating kabataan,” ani Sen. Bam.

“Sa bawat aral at oras na inyong ibinubuhos, kinabukasan ng bayan ang inyong hinuhubog,” dagdag pa nito.

Inilahad rin ng mambabatas na ang mga guro ang nagbibigay pag-asa sa ating bansa.

“Kayo po ang patuloy na nagbibigay ng kaalaman, inspirasyon, at pag-asa para sa mas maliwanag na kinabukasan ng ating bansa. Maraming salamat po!” anang mambabatas.

Kaugnay ng pagbating ito ni Sen. Bam, isinisigaw naman ng ibang kaguruan ang panawagan nilang dagdagan pa ang benepisyo ng mga guro sa ating bansa.

“Senator Bam, sana po ay maaprubahan ang hinihiling na dagdag sahod ng mga guro at maibaba ang tax, dagdag pahirap na kinukurap lamang naman. Sana po ay inyong dinggin ang hinihiling naming mga guro. Salamat po. God bless.”

“Sen.Bam, kung hindi man po ma grant ang taas sahod, sana gawin priority ng government ang mga pangangailqngan ng mag aaral, sapat na classrooms, bawasan ang ration ng teacher at bata, makumpleto ang textbooks nila, at higit sa lahat wala na ilalabas si teacher galing sa bulsa nila sa pagpapaayos ng classroom.”

“50k na sahod sa guro, isabatas!”

“No to ECP! #CareerDepression! Yes to Automatic promotion (after 3-5 years)!”

“Bawasan ang dpwh projects muna..bgay sa teachers and edu section at bantayan ang pondo. And Wala na tax po sana sahod..”

Matatandaang tanyag si Sen. Bam sa katawagang “Ama ng Libreng Kolehiyo” matapos niyang ipasabatas ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act (UAQTE) o Republic Act No. 10931, at sa paglulunsad ng Classroom-Building Acceleration Program Act o CAP ACT.

KAUGNAY NA BALITA: BALITAnaw: Ang Libreng Kolehiyo sa nagdaang 8 taon-Balita

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Bam, isinusulong ang pagsasabatas ng CAP ACT-Balita

Magpasahanggang ngayon, naninindigan pa rin ang senador na dapat paigtingin ang pagpapaganda ng sistema ng edukasyon sa bansa.

KAUGNAY NA BALITA: ‘Pera ng bayan, ilaan sa silid-aralan at 'wag sa pekeng proyekto at kalokohan’—Sen. Bam-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA