December 12, 2025

Home BALITA National

'Saludo po kami sa inyo!' DepEd Sec. Angara, nagbigay-pugay sa mga guro

'Saludo po kami sa inyo!' DepEd Sec. Angara, nagbigay-pugay sa mga guro
Photo courtesy: Sonny Angara (FB)

Binigyang-pugay ni Department of Education (DepEd) Sec. Sonny Angara ang deteminasyon at sakripisyo ng mga guro sa kaniyang mensahe para sa World Teacher’s Day nitong Linggo, Oktubre 5. 

“MA'AM, SIR, TEACHER... SALUDO PO KAMI SA INYO! ,” pagbati ni Angara sa kaniyang Facebook post. 

“Sa inyong sipag, tiyaga, at walang sawang pagmamahal, binubuo ninyo ang kinabukasan ng ating mga kabataan at ng Bagong Pilipinas,” aniya.

Sa nasabing post, pinasalamatan rin ng Kalihim ang mga guro at taos-puso niyang kinilala ang mga ito bilang “tunay na bayani ng edukasyon.” 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

“Kasama si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., buong puso nating ipinagdiriwang ang National Teachers’ Day bilang pagkilala sa inyo, ang tunay na bayani ng edukasyon. Maraming, maraming salamat po!” dagdag pa niya. 

Sean Antonio/BALITA