January 25, 2026

Home BALITA

'Sahod itaas, P50k dapat!' ACT Teachers nanawagan ng dagdag-sahod

'Sahod itaas, P50k dapat!' ACT Teachers nanawagan ng dagdag-sahod
Photo courtesy: ACT Teachers Partylist/FB

Iginiit ni ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio na patuloy raw nilang isusulong ang panawagang maitaas ang sahod ng mga guro hanggang ₱50,000 ngayong World Teachers’ Day.

Ayon kay Tinio kailangan daw maipasa ang nasabing halaga ng sahod mula sa entry-level.

“‘Yan pa rin ang pangunahing laban natin, ang ₱50k entry-level salary para sa teacher 1. 

Tapos yung sapat na budget para sa edukasyon sa kabuuan at paglaban sa korapsyon. ” ani Tinio.

2 dambuhalang sawa, nahuli sa kisame ng magkaibang bahay, 1 sa kanila, nakalunok ng tuta!

Kasabay nito, hiniling din niyang dagdagan ang World Teachers’ Day Incentive Benefit (WTDIB) mula ₱1,000 tungo sa ₱1,500.

Nagpahayag naman ng suporta si Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara sa panukalang umento sa insentibo para sa mga guro.

Samantala, kasabay din ng pagdiriwang Araw ng mga Guro, nagsagawa naman ng kilos-protesta ang Civil Society for Education Reforms (E-Net Philippines) para sa mga guro sa Malate, Maynila kung saan nagpakita sila ng mga plakard na may mensaheng “Stop corruption, sagipin ang edukasyon!” at “Sahod kulang, silid sira — nasaan ang budget para sa guro at bata?” bilang pahayag ng kanilang panawagan para sa pagbabago.

Sa kasalukuyan, may dalawang panukalang-batas sa Kamara ang nakabinbin na naglalayon sanang tumugon sa mga pangangailangan ng mga guro. Ito ay ang House Bill No. 203 na nagtutulak ng ₱50,000 sahod sa mga guro at House Bill No. 2903 na naglalayong mabigyan ng karagdagang ₱15,000 ang sahod ng lahat ng guro sa bansa.