December 15, 2025

Home SHOWBIZ

Regine Velasquez, may sey bakit 'di natatapos korapsyon

Regine Velasquez, may sey bakit 'di natatapos korapsyon
Photo courtesy: Regine Velasquez-Alcasid/FB


Inihayag ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid ang umano’y nakikita niyang dahilan sa hindi matapos-matapos na korapsyon sa bansa.

Ibinahagi ni Regine sa kaniyang X post nitong Linggo, Oktubre 5, ang nasabing dahilan hinggil sa nasabing isyu.

“Hay hindi ko mapigilan ang sarili ko nagagalit talaga ako [...] Alam n’yo kung bakit hindi natatapos ang kurapsyon?” pagtatanong ni Regine.

“Kasi walang consequences. Justice is selective,” paglalahad niya.

Hindi naman naiwasan ng netizens na magkomento rin hinggil sa nasabing X post ni Asia’s Songbird.

“Gigil din kami te…. Sana sa may mga opportunity na mag voice out katulad mo, huwag sana sila mapagod at tumigil. Wag na sanang pumayag sa ganitong klaseng sistema. Kawawa ang Pilipinas at mga Pilipino sa mga demonyong nakaupo. Grrrr!!!”

“Takot sila sa Death Penalty kasi walang matitirang Pulpulitiko if masisintensyahan silang lahat…buhay na ng mga Pilipino ang nakasasalay dapat buhay din nila ang kapalit sa pagiging ganid at kawatan ng mga Contractor at Pulpulitiko na yan!!”

“At ang weak po ng 'leaders' natin ngayon. Walang isa sa kanila yung nagpu-push talaga na matapos na to.”

“Panawagan ng mas malaking rally, ang kakapal ng mga fezlak ng mga kurakot na senador at congressmen na mga iteyyy.”

“Baka oras na para mapanagot din ang mga kurap na judges at justices na sangkot sa malawakang kurapsyon na ito.”

Matatandaang kamakailan lang ay nagpasaring din si Regine sa mga umano’y hindi marunong mahiyang mga nagnanakaw sa pondo ng bayan.

“Kung hindi ninanakaw pera natin KAYA to eh! The thing is hindi sila marunong mahiya kahit sabihan silang magnanakaw makapal ang mukha at isinusuka na natin sila waley pa rin, mag tuturo lang sila ng iba pang magnanakaw hangang maubos na lang nila yung ninakaw nila tapos nakaw uli,” aniya.

MAKI-BALITA: ‘Maubos na lang ‘yong ninakaw nila tapos nakaw ulit!’ Regine, di na raw keri mga magnanakaw sa gobyerno-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA