December 20, 2025

Home BALITA

Pagsasaayos ng mga imprastraktura sa Cebu, sisimulan na ngayong linggo

Pagsasaayos ng mga imprastraktura sa Cebu, sisimulan na ngayong linggo
Photo courtesy: via AP News

Magsisimula ngayong linggo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa rehabilitasyon ng mga pangunahing imprastrukturang napinsala sa pagtama ng magnitude 6.9 na lindol sa Cebu.

Ayon kay DPWH Sec. Vince Dizon, umabot na sa mahigit  ₱2.5 bilyon ang pinsala sa mga kalsada at tulay.

“Yung rehabilitation, yung permanenteng pagsasaayos, sisimulan this week, itong linggong ito, bukas na bukas,” ani Dizon sa isang radio interview nitong Linggo, Oktubre 5, 2025.

Dagdag pa niya, “Wala pa diyan yung structures. Yung mga eskuwelahan, yung mga ospital, wala pa ‘yan. So, tataas pa ‘yan.”

‘Prayers for your success!’ De Lima, binati si Torre matapos italagang MMDA General Manager

Batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), aabot sa 713 imprastruktura sa Central Visayas ang napinsala ng lindol na tumama sa Bogo City, Cebu noong nakaraang linggo.

Bukod dito, 18,154 kabahayan sa rehiyon ang nasira, kung saan 3,507 ang tuluyang nawasak.

Umabot na rin sa 73 ang nasawi at 559 ang nasugatan dahil sa lindol.

Dagdag ng NDRRMC, nasa 128,464 pamilya o katumbas ng 455,631 indibidwal ang naapektuhan ng kalamidad.

Kaugnay ng mga pinasala ng kalamidad, nabanggit naman ni Dizon sa hiwalay na panayam na minamatahan nilang maisaayos ang mga paaralang pininsala naman ng bagyo sa Masbate, sa loob ng dalawang buwan.

Aniya “Mahigit 1,000 classrooms ‘yong nasira (sa Masbate). Marami doon halos total ‘yong damage. Ang deadline na sine-set natin is hopefully, within two months matapos natin lahat ‘yong mga nasira.”

KAUGNAY NA BALITA: 1,000 'damaged classrooms,' minamatahang ikumpuni ng DPWH sa looob ng 2 buwan