Tila nagpahayag ng kanilang pagkadismaya ang ilang celebrities dahil sa kanselasyon ng Senate hearing kaugnay ng maanomalyang flood control projects na ilang buwan na ring pinag-uusapan at tinututukan ng sambayanan.
Ilan sa mga celebrity na nag-react at naglabas ng kanilang sentimyento tungkol dito ay sina Kapuso stars Carla Abellana at Kylie Padilla, at Kapamilya star Barbie Imperial.
Ibinahagi nila sa kani-kanilang Instagram stories ang isang balita tungkol dito, mula sa Instagram page na "PesoWeekly."
Mababasa sa headline, "SENATE HALTS FLOOD CONTROL PROBE — PENDING 'DISCUSSIONS.'
Makikita sa art card ang mukha ni Senate President Tito Sotto III.
Si Carla, na tinaguriang "Patron Saint of Call-Out" ay nagbigay ng kaniyang diretsahang pahayag laban dito.
Aniya, "Ayan na. October na. More than 1 month na yung issue. Swept under the rug na para next issue na. Here we go. Never ending cycle. Next issue pasok na."
Photo courtesy: Screenshot from Carla Abellana (IG) via Fashion Pulis
Si Kylie naman, na anak ni Sen. Robin Padilla, ay ibinahagi rin ang nabanggit na art card, na nag-iwan lamang ng tila angry emojis na may bad words.
Photo courtesy: Screenshot from Kylie Padilla (IG) via Fashion Pulis
Gayundin naman ang shinare ni Barbie sa kaniyang Instagram story na may text caption na "Whut..." na may sad emoji.
Photo courtesy: Screenshot from Barbie Imperial (IG) via Fashion Pulis
Matatandaang inanunsyo ni Sotto na ipagpapaliban muna ang Senate Blue Ribbon Committee hearing na nakatakda sana sa Lunes, Oktubre 6.
KAUGNAY NA BALITA: Senado, pansamantalang sinuspinde pagdinig sa isyu ng flood control projects
Samantala, inanunsyo naman ni Senate President Pro Tempore at kasalukuyang chairman ng komite na si Sen. Ping Lacson na nakatakda siyang magbitiw sa kaniyang posisyon.
KAUGNAY NA BALITA: 'Maybe stepping down is an option!' sey ni Lacson, sa pagiging Blue Ribbon Chair niya