December 13, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Netizen, kinuyog matapos maguluhan sa 'dalawang 10-wheeler trucks' ni Kim Chiu

Netizen, kinuyog matapos maguluhan sa 'dalawang 10-wheeler trucks' ni Kim Chiu
Photo courtesy: MB File Photo/Screenshot from TikTok

Dinagsa ng mga komento at "pa-lecture" ang isang netizen na tila raw naguluhan sa sasakyang nag-deliver sa mga donasyong construction materials ni Kapamilya star at "It's Showtime" host Kim Chiu sa Cebu, na naapektuhan ng magnitude 6.9 na lindol noong Martes ng gabi, Setyembre 30.

Kumalat sa social media ang screenshot ng palitan ng conversation ng mga netizen tungkol dito.

Ayon kasi sa mga ulat, nag-donate si Kim ng construction materials sa pamilyang nawasak ang mga bahay dahil sa malakas na pagyanig.

Isang netizen naman ang napatanong at tila nalito sa kung ilan daw ba talaga ang sasakyang nag-deliver sa mga donasyon ng Kapamilya star.

Human-Interest

#BalitaExclusives: Anak na nilibre mga magulang niya sa abroad, hinangaan ng netizens

"Dalawa ba o Sampo? bat nakalagay two tas 10? diko gets po pa explain," saad ng netizen.

Ilang mga kapwa netizen naman ng rumesbak at ipinaliwanag ito.

"dalawang '10 wheeler' na truck ate. hope that helps," saad ng isa.

Subalit tila hindi pa rin malinaw sa nabanggit na netizen ang paliwanag.

"So bali 20? truck? ganun ang dami naman," giit pa niya.

"dalwa nga lang ate dalwang track po na ang tawag e 10 wheeler kc may sampong gulong," paliwanag pa ng isa.

Sundot pa ng isa, "20 gulong ate .char! 2 truck na 10 wheeler(truck na tig 10 ang gulong po)."

Pero ang ending, tila hindi pa rin gets ng nabanggit na netizen ang mga paliwanag sa kaniya, at nauwi sa pamba-bash kay Kim.

"So ung dalawang truck ni Kim chiu me tag samong gulong? aanuhin naman ung tag sampong gulong ng mga nasalanta ng lindol?"

Photo courtesy: Screenshot from TikTok

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Very pooorrr reading comprehension may gahd"

"Dami na nating suliranin sa bansa, dumagdag pa 'tooooo"

"Bobotante ito for sure hahaha."

"Ang tawag diyan tanga-tangahan para mapansin haha."

"Hay naku wala na ako masabi sa katangahan hahaha."

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Kim tungkol dito.