Nanawagan ng isang buwang pagdarasal ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) bunsod umano ng malawakang korapsyon at kalamidad na nangyari sa bansa.
Ayon kay CBCP president and Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David, magsisimula ang isang buwang pagdarasal mula Oktubre 7, 2025 kasabay ng kapistahan ng Our Lady of Holy Rosary, at magtatapos naman Feast of Christ the King sa Nobyembre 23. Isasagawa ang pagdarasal tuwing Martes at Linggo.
"This act of national contrition is also a step in our journey of synodality- walking together as God’s people, listening to the Spirit and to one another, in humility and hope," ani David.
Kaugnay nito, iminungkahi ng CBCP ang mga simbahan, Catholic school, parokya, mga pamilya at ilang organisasyon sa simbahan na makiisa sa isang special prayer na tatawaging "A National Cry for Mercy and Renewal."
Matatandaang kasabay ng mainit na isyu ng korapsyon sa maanomalyang flood control projects, ay ang pagtama naman ng magkakasunod na bagyo mula sa iba't ibang panig ng bansa na nasundan naman ng mapaminsalang magnitude 6.9 na lindol sa Cebu.