Nasaktan umano ang damdamin ng komedyante at TV host na si Tuesday Vargas matapos siyang gawan daw ng kuwento nang siya ay bumisita sa Hong Kong.
Makikita sa isang post ni Tuesday noong Sabado, Oktubre 4, ang isang screenshot ng isang mahabang pahayag kung saan sinasabi na siya ay isa umanong “total b*tch.”
Ibinahagi naman ng komedyana ang kaniyang depensa hinggil sa alegasyong ito at kung paano siya naapektuhan ng nasabing pangyayari.
“Bakit po may mga ganitong tao sa mundo? Lahat po ng nag[-]ask nicely sa akin ay pinagbigyan ko po magpa[-]picture. Nakakalungkot po na may mga ganitong mapaggawa ng kwento,” ani Tuesday.
“Kung nalampasan ko po kayo, napakadaming tao at napakainit po noong araw na yon. Wala akong maalala na nang-irap ako at nagtaray sa kahit sinong MAAYOS akong nilapitan at nagpapicture,” dagdag pa niya.
Saad pa ni Tuesday, “Please lang po, huwag naman po tayong ganyan. Nakakasakit po kayo ng damdamin.”
Makikita naman sa comment section na ang netizens ay hindi naniniwala sa mga paratang kay Tuesday, at ibinabahagi pa ang ilan sa kanilang mga karanasan na magpapatunay na mali ang mga bintang na ito.
“Your comsec can attest that the post is not true. I saw u once sa anniv gig ng Route 196. Sa sobrang daming tao and hindi naliligpit mga tables, you actually cleaned a couple tables. Sabi mo pa, tutal na naka black din naman ako..makapagligpit na nga lang. Hehe. Thats how down to earth Tuesday Vargas is.”
“Tuesday is one of the nicest artists you'll ever encounter. I never saw her turn down people who recognized and acknowledged her, even from a distance, from the couple of times we were out together, local and abroad. And always very polite, private or public!”
“I remember wayback, Shall we dance era with miss lucy torres and other celeb sa lahat mamsh ikaw pinaka approachable and lagi sa sm fairview nakakasabay ka namiin mag grocery di lang kami nag papa picture because i know tao din naman kayo siguro sa mga shows since work iyon but i respect na kapag sa mall sapat na yung nakita like normal people running errands”
Kamakailan lamang ay ipinasilip ni Tuesday sa latest vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Karen Davila ang “hard-earned” home niya, na aniya, mula sa purong dugo at pawis niya.
“Wala pong kinuha sa kaban ng bayan. Puro pawis at dugo ko lang po ‘yan,” ani Tuesday.
MAKI-BALITA: 'Puro pawis at dugo ko lang po 'yan!' Tuesday, ipinasilip ang hard-earned home niya-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA