December 16, 2025

Home BALITA Probinsya

Mahigit 30 sinkholes, lumitaw sa isang bayan sa Cebu

Mahigit 30 sinkholes, lumitaw sa isang bayan sa Cebu
Photo courtesy: Contributed photo

Umabot na sa mahigit 30 sinkholes ang lumitaw sa San Remigio, Cebu matapos ang pagtama ng magnitude 6.9 na lindol.

Ayon sa ulat ng 24 Oras noong Sabado, Oktubre 4, 2025, tinatayang nasa 32 sinkholes ang kabuuang bilang ng mga sinkhole na umusbong sa naturang lugar.

Bagama't idineklara na raw na hindi ligtas ang lugar, iginiit ni San Remigio Mayor Mariano Martinez, may ilang mga bahay at imprastraktura ang nakatayo sa paligid ng sinkholes, na pinangangambahang gumuho.

"We cover them, or just declare the areas unsafe. But the problem is there are already buildings," ani Martinez. 

Probinsya

Pulis, namaril ng sundalo sa Zamboanga City; love triangle daw?

Samantala, maliban sa bayan ng San Remigio, isang sinkhole din ang namataan malapit sa residential area sa Sitio Sansan sa Barangay Mano. Ilang sinkholes din ang lumitaw sa Daanbantayan, Cebu.

Matatandaang noong Setyembre 30, 2025 nang tumama ang mapaminsalang lindol sa Cebu na kumitil ng 70 katao kung saan hanggang ngayon ay nakakaranas pa ng mga aftershocks ang iba't ibang lugar.

KAUGNAY NA BALITA: Aftershocks sa Cebu, umabot na sa higit 5,000