Kinilala ni Sen. Imee Marcos ang gampanin ng mga guro sa buhay ng kanilang mga estudyante sa kaniyang mensaheng pagbati para sa National Teachers' Day nitong Linggo, Oktubre 5.
“Happy Teachers' Day sa ating mga guro na kaagapay ng lahat ng magulang sa pagtuturo ng magandang asal at naghuhulma ng pagkatao ng ating mga kabataan,” saad ng Senador sa kaniyang Facebook post.
Pinasalamatan din niya ang walang humpay na pasensya at malasakit ng mga guro sa kanilang propesyon.
“Maraming salamat sa walang katawarang pasensya, presensya at malasakit ng bawat isa sa inyo! Mabuhay ang ating mga mahal na titser! ,” aniya pa.
Sa kaugnay na balita, isa sa mga proyekto ni Marcos para sa mga guro ay ang Republic Act (RA) No. 11997 o ang "Kabalikat sa Pagtuturo Act" na naglalayong magbigay ng taunang teaching allowance sa mga guro sa pampublikong paaralan.
Sean Antonio/BALITA