December 18, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Inah De Belen, pumalag sa paninita ng netizen sa pagli-live-in nila ni Jake Vargas

Inah De Belen, pumalag sa paninita ng netizen sa pagli-live-in nila ni Jake Vargas
Photo Courtesy: Inah De Belen (FB)

Pinatulan ng aktres na si Ina De Belen ang pananaway ng isang netizen sa pagsasama nila ng jowa niyang si Jake Vargas.

Sa isang Facebook post kasi ni Inah kamakailan, mapapanood ang video ng pagsasayaw nila ni Jake sa saliw ng kantang “Man I Need” ni Olivia Dean.

Ngunit isang netizen ang nagkomento at tila binasag ang trip ng dalawa.

 “Ang babata pa nag live in na,” komento nito.

Relasyon at Hiwalayan

Kylie Padilla, kinlarong hindi siya ang unang nagloko

Sagot naman ni Inah, “[N]ay 33 years old na po kami magresearch po muna kayo.”

Umani tuloy ng iba pang tugon ang komento mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang hanash:

"tingjn cguro ni nanay bata pa kau, kc bata pa ang mukha nyo, hnd kau matured tingnan.."

"dapat tlga hiwalay fb ng matatanda"

"kailan po ba dapat makisama pg ugod-ugod na d na.maenjoy buhay"

"at least napagkamalan kayong bata"

"kadalasan yong nag LI live may forever cela.. sa MGA kinakasal naman tulad Carla abellana tatlong buwan lang cela."

"judgmental ka nman po. Pati buhay ng IBA tao pinakikialaman nyo po wag po ganonWala ka nman Ambag sa buhay po nila.."

"wag kc kyo mg live- in.. mg live- out dw kyo.. "

Matatandaang lampas tatlong taon nang nagsasama sa iisang bubong sina Inah at Jake. Nagsimulang mabuo ang relasyon nila noong 2016 nang magkasama sila sa isang Kapuso teleserye.