December 22, 2025

Home BALITA Probinsya

Dating Cebu Gov. Gwen Garcia, binisita mga nabiktima ng lindol sa Cebu

Dating Cebu Gov. Gwen Garcia, binisita mga nabiktima ng lindol sa Cebu
Photo courtesy: Gov. Gwen Garcia (FB)

Bumisita sa bayan ng Borbon si dating Cebu Gov. Gwen Garcia umaga ng Linggo, Oktubre 5 bilang personal na pagkumusta sa kalagayan ng mga nabiktima ng 6.9 na lindol sa probinsya kamakailan. 

Ayon sa kaniyang Facebook post, agad na ipinakansela ng dating gobernador ang kaniyang overseas holiday matapos makatanggap ng mga tawag mula sa mga lokal na sektor para humingi ng tulong at advice. 

“She cut short her overseas holiday after receiving calls and messages from various sectors and local officials asking for her help and advice,” saad dito. 

Sa pagbisita ni Garcia kasama ang kaniyang anak, sinalubong sila ng mga lokal na opisyal sa pangunguna ni Mayor Nico Dotillos at dating mayor Noel Dotillos. 

Probinsya

Paslit na may dalang ₱500, hinostage ng umano'y adik sa Marawi City

Binanggit din dito na ang pagbisitang ito ay dala ng pakikiisa at pakikiramay sa mga Cebuano na nanatiling malapit sa puso ni Garcia.

“This visit is not meant to undermine or interrupt ongoing government response and recovery efforts, but to support and complement them — a gesture of solidarity and compassion for the Cebuanos she continues to hold close to her heart,” batay rito. 

Ayon pa sa pahayag, naniniwala si Garcia na sa panahon ng sakuna, mahalaga na makita ng kaniyang mga kababayan sa Cebu ang suporta at tulong matapos ang pagharap sa trahedya ng lindol.

“For her, it was impossible to stay still knowing her fellow Cebuanos are enduring the aftermath of the disaster. She believes that in times like these, showing up matters most — and today, she is doing exactly that, visiting each affected LGU to personally see how her beloved Cebuanos are doing and what more help she can extend,” ipinunto rito. 

Samantala, ang opisina ng dating gobernador ay patuloy na bukas para mamahagi ng mga relief assistance. 

“Meanwhile, her office — with the help of friends and supporters — continues to deliver relief assistance coursed through the LGUs and barangay leaders in the hardest-hit areas,” pagtitiyak ng kaniyang team. 

Sean Antonio/BALITA