December 13, 2025

Home BALITA

Chavit, handang magpakulong sakaling patawan ng sedisyon

Chavit, handang magpakulong sakaling patawan ng sedisyon
Photo Courtesy: Chavit Singson (FB)

Nagbigay ng reaksiyon si dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson kaugnay sa posibilidad na patawan siya ng sedisyon dahil sa umano’y panghihikayat niyang magrebolusyon laban sa korupsiyon.

Sa panayam ng media kay Singson nitong Linggo, Oktubre 5, sinabi niyang handa umano siyang makulong sakali mang totoo ang lahat ng paratang laban sa kaniya.

“Basta ang masasabi ko lang, lahat ng sinasabi nila puro kalokohan. Walang katotohanan. Magpapakulong ako kung may katotohanan ang mga sinasabi nila,” saad ni Singson.

Dagdag pa niya, “Lahat ng ‘yan, mga asong ulol. ‘Pag nakaamoy ng pera, kumakagat.”

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Samantala, hindi naman tinumbok ng dating gobernador kung sino ang “asong ulol” na pinatutungkulan niya.

Matatandaang nauna nang sinabi ng Palasyo na inaasahan nilang mismong ang Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP) at Department of Justice (DOJ) ang mag-iimbestiga sa pahayag ni Singson na naghihimok umano sa kabataan na mag-aklas.

Maki-Balita: Paghimok ni Chavit na magrebolusyon kabataan, posibleng patawan ng sedisyon—Palasyo