January 04, 2026

Home FEATURES Human-Interest

#BalitaExclusives: Teacher sa likod ng 'Laptop para sa Pangarap' atbp., itinanghal na 'Bayaning Guro'

#BalitaExclusives: Teacher sa likod ng 'Laptop para sa Pangarap' atbp., itinanghal na 'Bayaning Guro'
Photo courtesy: Expressions (FB) via Melanie Figueroa

Kinilala bilang "Bayaning Guro 2025" sa isang kompetisyon para sa mga guro si Teacher Melanie Figueroa, nagtuturo ng asignaturang Araling Panlipunan sa Hinaplanon National High School na matatagpuan sa Iligan City, Lanao Del Norte.

Isa lamang siya sa mga gurong ginawaran ng parangal sa contest ng isang stationery and school supplies shop matapos makatanggap ng mataas na boto mula sa mga netizen.

Si Ma'am Melanie ay siyang nasa likod ng mga adbokasiya sa paaralan gaya ng "Laptop para sa Pangarap," "Adopt-a-Student," at marami pang iba pa.

Kamakailan lamang, nakatanggap siya ng parangal mula sa Office of the Ombudsman sa Northern Mindanao para sa "Ordinary People Doing Extraordinary Act" Award para sa HIP o Honesty, Integrity and Public Accountability.

Human-Interest

Pabalik na sila! Bakit 'main character' mga taga-NCR na pabalik galing sa probinsya?

Dahil daw ito sa kaniyang "Adopt-a-Student" advocacy dahil nais daw nilang malaman kung paano niya ito ginagawa.

Sinagot ng opisina ang lahat ng expenses ng awardees nang dalhin sila sa Maynila para sa awarding ceremony.

KAUGNAY NA BALITA: Maestra sa likod ng 'Adopt-a-Student,' 'Laptop Para sa Pangarap' at iba pang adbokasiya, pinarangalan

Ilang beses na ring naitampok sa Balita si Teacher Melanie dahil sa kaniyang mga pinag-uusapan at viral na pagtulong sa mga mag-aaral, na talaga namang nagbibigay ng impact at inspirasyon sa lahat.

Kaya naman, isang dagdag na milestone ulit para kay Teacher Melanie ang hiranging "Bayaning Guro" dahil sa kaniyang mga adbokasiya para sa mga mag-aaral na deserving ng tulong.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Teacher Melanie, sinabi niyang premyong matatanggap niya ay cash at git certificate.

Nag-iwan naman ng mensahe si Teacher Melanie para sa lahat ng mga bumoto at naniwala sa kaniya.

"Malaki ang pasasalamat ko sa lahat ng mga bumoto, mga kakilala at mga on the spot na pinili po ako kahit di nila ako kilala. Ang victory na ito ay para sa ating lahat lalo na sa mga kapwa ko guro na manatili po na bukas sa mga pangangailangan ng mga mag aaral," aniya.

Congratulations, Teacher Melanie!