January 26, 2026

Home BALITA

Viral dog na nalapnos sa sunog sa Zamboanga, pumanaw na

Viral dog na nalapnos sa sunog sa Zamboanga, pumanaw na
Photo courtesy: Animal Kingdom Foundation/FB

Pumanaw na ang asong nag-viral matapos siyang madamay sa sunog na sumiklab sa Zamboanga City.

Kinilala ang nasabing aso na si Scarlett na naunang ipinanawagan ng tulong ng Animal Kingdom Foundation (AKF) matapos siyang magtamo ng iba’t ibang sugat sa katawan at halos masunog ang mukha.

Noong Huwebes, Oktubre 2 nang manawagan ng donasyon ang AKF para sa agarang pagpapagamot kay Scarlett.

“Last night, a fire took everything from Scarlett’s family - their home, their belongings, and almost their beloved dog. Scarlett survived, but she was left with severe burns and is now in severe pain and discomfort,” anang AKF.

Politics

‘Di nakakuha ng definite commitment!’ Makabayan Bloc, naipasa na 2nd impeachment complaint kay PBBM

Habang noong Biyernes, Oktubre 3 nang muling mag-update ang AKF hinggil sa pagpapagamot kay Scarlett. Ayon sa AKF, pansamantala munang pinahiran ng first aid ang mga sugat na tinamo ng naturang aso.

Ilang oras ang lumipas, muling ibinahagi ng AKF ang pagpanaw ng nasabing aso.

“Despite the valiant effort of the veterinarians and the relentless prayers and hope of her family, the incredible Scarlet succumbed to her injuries early today, leaving her mark in our hearts and the community that loved and cared for her,” saad ng AKF.

Samantala, ilang netizens naman ang nagpaabot ng kanilang sentimyento sa sinapit ni Scarlett.

“You tried hard to fight for your life and now it’s time to rest.”

“Fly high to the rainbow bridgeyou’re not in pain anymore.”

“I hope you don't remember this part in paradise.”

“Almost everytime there's a fire, dogs are among the casualties.”

“Was all willing to give my last cents, run free now, Scarlett.”

“She died in pain ung mga ganyan it needs the vet immediately.”