December 12, 2025

Home SHOWBIZ

'Tanggap ko na matawag na sir, pero yung tatay akin pa rin?'—Vice Ganda

'Tanggap ko na matawag na sir, pero yung tatay akin pa rin?'—Vice Ganda
Photo courtesy: Screenshots from It's Showtime via Vice Ganda (FB)

Kinaaliwan ng mga netizen ang hirit ni Unkabogable Star at "It's Showtime" host Vice Ganda matapos siyang matawag na kunwari ay "Tatay" ng isang gurong contestant para sa segment na "Laro Laro Pick" ng nabanggit na noontime show.

Pabirong pumalag si Vice Ganda nang tukuyin siyang "tatay" ng kinakapanayam na contestant.

Natanong kasi ng TV host-comedian kung malambing ba rin siyang makipag-usap sa kaniyang mister, na tinatawag niyang "Tatay" bilang endearment.

Nang imuwestra ng guro kung paano siya makipag-usap sa kaniyang mister, tila bumaling siya kay Vice Ganda, bagay na pabirong inalmahan naman ni Meme sabay turo sa co-host na si Jhong Hilario.

Paalala ni Catriona matapos masaksihan heaviest traffics of 2025: 'Choose kindness!'

"Huwag po ako, ito po [Jhong Hilario] sa dinami-dami naman Mader, nagbestida na nga ako eh, tanggap ko na ngang tinawag akong sir, pero 'yong tatay ba naman, akin pa rin!" ani Vice Ganda.

Ibinahagi naman ang vlip nito sa verified Facebook page ni Vice Ganda.

"Tanggap ko na matawag na sir. Pero yung tatay akin pa rin???" mababasa sa caption. 

Matatandaang kamakailan lamang ay nilinaw ni Vice Ganda na walang kaso o problema sa kaniya kung matawag siyang "sir" o "ma'am" ng mga tao, lalo na ng contestants.

“For once and for all, let’s normalize maybe called ‘sir.’ Para hindi na siya ginagawang katatawanan. Normal lang ‘yon."

“Pero puwede rin akong ‘ma’am’ ha. Okay din naman ako sa ‘ma’am,’” dugtong pa ng Unkabogable Star.

KAUGNAY NA BALITA: Vice Ganda, wapakels kung matawag na 'sir'

Matatandaang nauna nang sinabi ni Vice na wala umano siyang paki kung matawag man siyang “sir” sa isa ring episode ng “It’s Showtime” noong Hunyo 2022.

Sa kabilang banda, nagpaalala naman siyang hindi niya kagaya ang iba. May iba rin kasing kailangan munang tanungin kung paano sila tatawagin o kung anong pronoun ba ang gagamitin sa kanila.

KAUGNAY NA BALITA: Vice Ganda, kebs kung tawaging 'Sir' o 'Ma'am' ngunit may paalala sa lahat