December 14, 2025

Home SHOWBIZ

'Puro pawis at dugo ko lang po 'yan!' Tuesday, ipinasilip ang hard-earned home niya

'Puro pawis at dugo ko lang po 'yan!' Tuesday, ipinasilip ang hard-earned home niya
Photo Courtesy: Screenshots from Karen Davila (YT)

Proud na ipinasilip ng komedyanteng si Tuesday Vargas ang hard-earned home niya.

Sa latest vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Karen Davila kamakailan, sinabi ni Tuesday na wala umanong kinuha sa kaban ng bayan ang pagpapatayo niya sa kaniyang bahay.

“Wala pong kinuha sa kaban ng bayan. Puro pawis at dugo ko lang po ‘yan,” saad ni Tuesday.

Segunda naman ni Karen, “Let’s be proud sa pawis at dugo. Napakaganda nito.”

Relasyon at Hiwalayan

‘Totoo na!’ Kiray Celis, kinasal na!

Ayon kay Tuesday, lampas isang dekada na umano siyang naninirahan sa ipinatayo niyang bahay. 

Naipundar niya ito sa pamamagitan ng pagiging komedyante at pagpatol sa iba’t ibang raket habang mag-isang nagpapalaki ng anak.

Matatandaang pinag-usapan noong mga nakaraang buwan angi ilang personalidad na todo-flex ng kanilang yaman at ari-arian samantalang konektado pala sa mga opisyal at politikong dawit sa mga anomalyang tulad ng flood control projects.

Basahin: ALAMIN: Ang terminolohiyang 'nepotismo' at pag-usbong ng 'nepo babies'

At sa isyung ito, kaisa si Tuesday sa panawagang panagutin lahat ng sangkot sa talamak na korupsiyon sa Pilipinas. 

KAUGNAY NA BALITA: Tuesday Vargas, pinapanagot lahat ng sangkot sa korupsiyon