December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Mika Salamanca, pinayuhan si Shuvee Etrata na dedmahin ang bashers

Mika Salamanca, pinayuhan si Shuvee Etrata na dedmahin ang bashers
Photo Courtesy: Mika Salamanca, Shuvee Etrata (FB)

Nagbigay ng payo si “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition” Big Winner Mika Salamanca sa kapuwa niya PBB housemate na si Shuvee Etrata na humaharap ngayon sa kaliwa’t kanang batikos.

Sa panayam ng 24 Oras kamakailan, sinabi ni Mika na mainam umanong piliin ni Shuvee ang mga boses na pakikinggan.

Aniya, “Pinakamasasabi ko lang kay Shuvee siguro is piliin mo 'yong mga papakinggan mo saka tatanggapin mo sa sarili mo.”

“Kung mayr’on kang mistake, own it, say you're sorry, change. Own it. Parang kung constructive criticism, take it. Pero kung pure hate lang, let it go, slow down,” dugtong pa ni Mika.

Relasyon at Hiwalayan

Bianca De Vera, kering pagsabayin 2 lalaki sa isang relasyon?

Matatandaang nagsimulang kuyugin si Shuvee ng netizens matapos muling lumutang ang mga lumang post at video niya partikular ang pagpapakita ng suporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Bagama’t humingi na siya ng paumanhin sa mga nasaktan niya at nadismaya, tila patuloy pa rin siyang pinuputakti.

Maki-Balita: 'Huwag kayo mag-alala, natuto na ako!' Shuvee Etrata, nagsalita matapos ma-bash dahil sa politika

Kaya sa isang Facebook post ni GMA Network Senior Vice President Annette Gozon-Valdes noong Setyembre 26, dinepensahan niya si Shuvee at sinabing hindi umano ito “die hard” sa sinomang politiko.

Maki-Balita: Annette Gozon-Valdes, dinepensahan si Shuvee Etrata: 'Let's respect each other's opinion’

Inirerekomendang balita