December 12, 2025

Home BALITA

Mag-asawang Discaya, 'no comment' sa posibleng P300 bilyong penalty ng DPWH laban sa kanila

Mag-asawang Discaya, 'no comment' sa posibleng P300 bilyong penalty ng DPWH laban sa kanila
Photo courtesy: Contributed photo

Tumangging magkomento ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya hinggil sa nakaambang ₱300 bilyong penalty na ipapataw sa kanila ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Nitong Sabado, Oktubre 4, 2025, muling nagtungo sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) ang mag-asawang Discaya para pa rin sa pagpapatuloy ng case build-up ng flood control scandal.

Kapuwa hindi na sumagot ang dalawa, nang tanungin ng media kung ano ang masasabi nila sa nakaambang bilyong pisong ipapataw sa kanila ng DPWH matapos kumubra ng flood control projects mula 2016 hanggang 2025.

Matatandaang noong Biyernes, Oktubre 3, nang isiwalat ni DPWH Sec. Vince Dizon na umabot sa 1,214 ang mga kontratang naibulsa ng mga Discaya para sa flood control projects, kung saan nagkakahalaga umano ito ng katumbas ng isang taong budget ng Department of Transportation (DOTr).

DSWD Sec. Gatchalian, may alok na ₱100K pabuya sa makakapagturo ng salarin sa asong pinutulan ng dila

“1,214 flood control projects of Discaya from 2016 to 2025. It's roughly close to ₱80 billion (₱77.934 billion),” ani Dizon. “So yari sila, mas malaki pa pala yung penalty nila (₱300 bilyon) doon sa contract amount na ‘yan. The maximum penalty is ₱250 million per contract. But I guess, that depends on how much the contract is.”

Dagdag pa niya, “Ganto lang, ang budget ng buong Department of Transportation (DOTr) in 2025 ay ₱80 billion lang. So yung kontrata palang nina Dsicaya, mas malaki na sa budget ng buong DOTr for one year,” saad ni Dizon.

Kasalukuyang nasa ilalim ng provisional period ng Witness Protection Program ang mga Discaya kasama ng ilang dating tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sina Engr. Brice Hernandez, Engr. Henry Alcantara, Jaypee Mendoza at dating Undersecretary Roberto Bernardo.

KAUGNAY NA BALITA: 'Protect them from harm, not from liability!' DOJ may nilinaw sa pagpasok ng mga Discaya, ex-DPWH officials sa 'witness protection'